• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Xian Lim, paano nga ba na-overcome ang doubts sa kanyang skills bilang singer at aktor?

EXCLUSIVE: Xian Lim, paano nga ba na-overcome ang doubts sa kanyang skills bilang singer at aktor?

Naging maganda ang takbo ng career niya ngayong taon para kay Xian Lim.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/14/2017 8:57 AM
EXCLUSIVE: Xian Lim, paano nga ba na-overcome ang doubts sa kanyang skills bilang singer at aktor?


 

Ayon sa Kapamilya actor na si Xian Lim, naging maganda ang taong 2017 sa kanya kumpara noong 2016 kung pag-uusapan ang kanyang showbiz career.

Nitong 2017 ay nagkaroon siya ng album sa Star Music, concert sa Solaire at na-recognize din ang kakayahan niya bilang aktor ng ilang award-giving bodies.

“Kasi nung 2016, ang dami kong questions, eh. Na parang, ano nga ba talaga… I mean, di ba parang you do this type of project pero hindi mo alam kung meron ka bang… You don’t know if you’re getting recognized. Hindi ko alam kung tama ba yung gingawa ko at that time.

“Pero ngayong 2017, I think nung nabigyan po ako ng recognition (sa acting), I think, that’s one of the highlights talaga.

“I mean, marami naman pong nangyari–concerts and different projects–pero ito talaga, nung nabigyan po ako ng recognition sa acting, parang alam mo yon, yung dinadala ko na pagkabigat-bigat ay parang nabawasan dahil don,” masayang kuwento ni Xian sa PUSH.

Kinilala ang galing ni Xian sa pelikulang All About Her na pinagbibidahan nina Angel Locsin at Vilma Santos. Sa naturang pelikula ay tatlong beses siyang nanalo ng best supporting actor. Yung recent award ay nakuha niya sa PMPC Star Awards for Movies.

“It’s a different feeling na mabigyan ka ng parang (recognition)… mapansin ka amongst all your… di ba? Ang dami kasi namin, mapansin ka lang is a big achievement na talaga,” sambit pa ng binata.

Ibinahagi rin ni Xian ang ilang plano niya para sa 2018.

Aniya, “I think, sa 2018 I want to be able to do more projects and keep on proving myself na I got what it takes kumbaga. I will just keep on doing what makes me happy. Yon lang naman yon, eh, I think.”

May pelikula ring kasalukuyang ginagawa si Xian under Star Cinema na ipapalabas next year. May mga topless scenes din siya dito na ayon sa aktor ay normal na lang para sa kanya.

“Nagawa ko na naman siya nung time ng The Story of Us. Hindi naman na ako bago sa ganun at saka meron pong elemento ng tubig dito sa pelikula. Medyo kailangan lang talagang ano,” kuwento pa niya.

Sa last part ng aming conversation ay inamin ni Xian ang mga doubts na meron siya noon sa kanyang talents bilang singer and actor.

“Sobra, especially nung first concert and marami kasing ano, eh, parang pag meron kang gagawing bago, you’re unsure, ang daming setbacks din. At first, hindi mo kaya, that’s the beauty of it, eh, na parang hindi mo kaya at pag naramdaman mo na yon, yon yung magic.

“Kasi yung struggle, eh, na parang before, sabi ko, dapat marunong na ako, dapat ganito, before ganun yung thinking ko. But now, I think at this point, it’s the struggle that counts, eh.

“Yung paano ko ba gagawin ito, paano ko ba mapu-pull off ito, yon yung kagandahan don. And that’s the satisfaction kung magawa mo talaga siya,” deklara niya.

Pati skills niya ay hindi kinukwestyon din niya noon.

“Yung doubts ko sa kaya kong gawin, sa skills ko, nando’n talaga, being able to speak in front of people… mga ganun. Ngayon, meron pa ring konting doubts, mahirap naman pag nawala na yung doubts kasi ibig sabihin nakampante na, hindi naman.

“Ayokong makakampante. Talagang kinakabahan pa rin ako, sobra akong kinakabahan. Maganda rin yung may struggles talaga. If there are no struggles medyo delicate,” huling pahayag ni Xian sa PUSH.