Are Liza Soberano and Enrique Gil a couple now?

Liza Soberano has completed her manager’s checklist before she’s allowed to have a relationship.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/14/2017 11:24 AM
Are Liza Soberano and Enrique Gil a couple now?


 

Sa ulat ng TV Patrol, may hudyat na nga ba ang pagiging official couple ni Liza Soberano at Enrique Gil? Pag-amin kasi ni Liza, natapos na kasi niya ang mga kondisyon o checklist na hinihingi ng kanyang co-manager na si Ogie Diaz bago siya nito payagan makipagrelasyon kay Enrique. 

Ayon kay Liza, ang mga kailangan niyang ma-invest ayon sa kanyang manager ay, “dapat may isang bahay, isang condo, tatlong kotse.” Ayon din kay Liza, “tatlo na kotse ko.” Inamin din niya na check na ang lahat sa checklist na yun.

Masaya rin si Liza dahil sa nagbukas na ang kanyang negosyong Hope Hand and Foot Wellness Center. Plano rin ni Liza na makatulong siya sa mga local suppliers sa pamamagitan ng kanyang negosyo. “Coconut oil is something that we will be using here in Hope, and I’m really excited for that because the Philippines is very rich in coconut.”