• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda reveals reason why he does not want to adopt a child

Vice Ganda reveals reason why he does not want to adopt a child

Vice Ganda: ‘Ayoko kong i-subject ‘yung bata don sa hirap nong sitwasyon niya habang lumalaki na ang magulang niya isang bakla’

BY KRISTHOFF CAGAPE

Twitter: @kristhoff_cgp

FRESH SCOOPS

12/13/2017 12:31 PM
Vice Ganda reveals reason why he does not want to adopt a child


 

Vice Ganda revealed several reasons why he does not want to adopt a child. The comedian first pointed out that he does not want to do it just because he wants someone to take care of him when he becomes old. 

Ang rason ko po kasi hindi ko po kasi binibili ‘yung rason na, ang dami kasing nagsasabi na paano ‘pag tumanda ka walang mag-aalaga sa’yo?’ I just find it so selfish kung bakit ‘yun ang dahilan kung bakit ka magaanak dahil gusto mo lang din na may mag-alaga sa’yo kasi para sa akin, kaya mo gustong magka-anak kasi gusto mong maging magulang, hindi dahil para may mag-alaga sa’yo.”

Kaya eh ang sabi ko hindi ko naman kailangang mag-anak para may mag-alaga kasi ayoko rin naming obligahin ‘yung tao para lang alagaan ako. Eh di mag-iipon na lang ako para meron akong pambayad na caregiver at sigurado naman ako na ‘yung mga pamangkin ko at mga kapatid ko aalagaan din ako pag tumanda ako,” he said in an interview at the press conference of Gandarrapiddo: The Revenger Squad. 

He further relayed that he believes the Philippine society is not yet ready to accept that kind of family setup and that he does not want to put the child in that situation. 
 
Ayoko kong i-subject ‘yung bata don sa hirap nong sitwasyon niya habang lumalaki na ang magulang niya isang bakla dahil pakiwari ko po ay hindi pa handa ang lipunan sa Pilipinas para don at since hindi pa handa ‘yung mga taong nakapaligid sa amin para unawain ‘yung ganong sitwasyon, ayokong iparanas sa bata ‘yung hirap na lumalaki siya at iniisip niya kung ano ang isasagot niya kung bakit ang tatay mo ay bakla. Mas gugustuhin ko na lang na tumanda ng mag-isa kaysa makita ang anak ko na umiiyak dahil hindi niya masagot ‘yung napakaraming tanong ng tao sa paligid niya,” he said.

Vice confessed that he once thought of having a child of his own but he realized that it is already too late to do it. 

Naisip ko pala minsan parang gusto kong mag-anak pero huwag na lang din kasi parang ilang taon na ako, forty na ako, kung magkaka-anak ako tapos magtwe-twenty years siya tapos twelve years from now sixty na ako so sa edad niya pag umabot siya ng bente hindi ko na mai-enjoy siya agad at hindi na niya ako mai-enjoy kasi parang baka uugod-ugod na ako non. Konti na lang ‘yung time so sabi ko huwag na lang. ‘Yung pwede kong gawin don sa batang magiging anak ko, gagawin ko na lang sa mga batang makakasalamuha ko kahit hindi ko sila anak pwede ko naman silang anakin kahit hindi sila galing sa akin,” he said.