• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual isa sa mga paparangalan sa Macau International Film Festival

Piolo Pascual isa sa mga paparangalan sa Macau International Film Festival

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/13/2017 9:57 AM
Piolo Pascual isa sa mga paparangalan sa Macau International Film Festival


Photo credit: @abscbnpr IG

 

Isa ang kapamilya actor na si Piolo Pascual sa mga itinanghal bilang Makabata Hall of Famer awardee sa katatapos lang na 2017 Anak TV Awards.

Read: Kapamilya Stars humakot ng parangal sa 2017 Anak TV Awards

Kaya naman thankful at proud si Piolo sa pagkilala na ito.

"You know sa trabaho ng ito, ito yung mga bagay na hindi mo hinihingi kundi ibinibigay. And it becomes more motivation for me to be even better at what I do to make sure na tama yung ginagawa ko," pahayag ni Piolo.

Aniya, ang Anak TV award ay isa sa masasabi niya na best Christmas gift niya para sa kanyang sarili.

"Ang sarap pala sa pakiramdam na yung ginagawa mo they not just appreciate, kundi magiging inspirasyon para sa kabataan. Kay malaking regalo sa akin ito ngayong Pasko," sabi ni Piolo.

 

Piolo Pascual is also one of this year's Makabata Hall of Famers at the Anak TV Awards.

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr) on

Papuntang Macau din ang kapamilya actor para tumanggap ng award sa darating na December 15 sa 2nd Macau International Film Festival. Kaya naman labis-labis din ang naging pasasalamat ni Piolo para sa sunod-sunod na pagkilala na ito.

"Yes they chose me as one of the ten up and coming Asian stars so they're flying me over to receive the award. It's under Variety magazine sa Macau International Film Festival. I'm just really excited, it's also one way of showing that we’ve got what it takes to penetrate the international scene and to represent the Philippines," masayang pahayag ni Piolo.

"Nakakatuwa na dala natin ang bandera ng Pilipinas and I'm always overwhelmed when I go to different places at dala ko yung bandera ng ABS-CBN at bandera ng Pilipinas. Because it only goes to show na mayroon tayong talento na pwede natin ipag malaki sa ibang bansa," pahayag pa ng aktor.