• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn Mercado on Derek Ramsay: ‘Kailangan ko siya e para magawa ko yung eksena’

Jennylyn Mercado on Derek Ramsay: ‘Kailangan ko siya e para magawa ko yung eksena’

Jennylyn Mercado admits being nervous doing some bed scenes with Derek Ramsay.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/13/2017 11:48 AM
Jennylyn Mercado on Derek Ramsay: ‘Kailangan ko siya e para magawa ko yung eksena’


 

Sa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, ninerbyos diumano si Jennylyn Mercado sa ilang eksena nila ni Derek Ramsay para sa Metro Manila Film Festival na All Of You. Ani Jennylyn, “Kailangan ko siya e para magawa ko yung eksena.” 

Ayon pa sa report, nakakagulat ang ilang bed scene sa pelikula na hindi pa nagagawa ni Jennylyn.

Ayon naman kay Derek tungkol sa pagsungkit ng acting awards, “Jen is always good so she’s always in the running for Best Actress. But for me bonus na lang yun e kung manalo akong Best Actor.”

R13 ang All of You at binigyan naman ito ng B rating ng Cinema Evaluation Board.

Matatandaang nagkasama na rin si Derek at Jennylyn sa pelikulang English Only Please na-dinirect din ng All of You director si Dan Villegas.