• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ana Capri, napatawad na ang nanampal at nang-molestiya sa kanya sa isang bar sa Taguig

EXCLUSIVE: Ana Capri, napatawad na ang nanampal at nang-molestiya sa kanya sa isang bar sa Taguig

Dumating ang blessings kay Ana Capri pagkatapos niyang patawarin ang mga nanakit sa kanya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/13/2017 10:04 AM
EXCLUSIVE: Ana Capri, napatawad na ang nanampal at nang-molestiya sa kanya sa isang bar sa Taguig


 

Bago matapos ang taong 2017 ay nagdesisyon si Ana Capri na patawarin na lang ang mga taong involved at kalimutan na lang ang nangyari sa kanya sa isang popular club sa Taguig noong April.

“Yung tao na nanampal sa akin saka nang-molestiya, he remains anonymous pa rin kaya hindi maka-forward yung kaso na yon, pero gusto ko nang kalimutan.

“Then yung tao naman na nagwo-work don sa venue, wag na lang ulit natin sabihin yung venue, parang feeling ko lang, tutal ginagawa lang naman niya trabaho niya kasi nagtatrabaho lang din naman siya don, lahat naman tayo may mga imperfection, siguro nung mga oras na yon baka hindi maganda yung  lunch niya or dinner, so pinatawad ko na lang siya.

“Humingi naman siya sa akin ng kapatawaran, humingi naman siya ng sorry, so sa akin naman, hindi naman ikaw ang eksaktong gumawa sa akin, so pinatawad ko na lang.

“Water under the bridge na siya which is natuwa naman ako kasi after nung mga bagay na yon, nung natahimik na yung kaso na yon, sunud-sunod naman yung blessings na dumating. Kumbaga, may mga naging kapalit naman,” dire-diretsong kuwento sa PUSH ni Ana nang makausap namin siya sa media launch ng bagong pelikula ng BG Productions na Almost A Love Story na magsusyuting pa sa Italy.

Inisa-isa ni Ana ang blessings na natanggap niya after ibigay ang kanyang kapatawaran sa mga taong nanakit sa kanya.

Aniya, “I started receiving awards for the film Laut, so parang after kong na-hospitalize, then after nung napatawad ko yung tao parang mas gumaan kasi wala kang iniisip na bad vibes.

“Sa Malaysia, nung May sa IIFA Awards, best supporting actress ako. Then sa Star Awards, best supporting din. Nakatanggap din ako last November sa Gawad Amerika. Then ngayon lang, sa Indie Bravo. Nakakatuwa, ang ganda ng mga nangyari,” sambit pa niya.

Maganda rin ang takbo ng kanyang love life ngayon sa non-showbiz boyfriend from Australia.

“Meron naman akong peace of mind sa kanya. I feel loved. Two years na kami at wala namang nagiging problema,” pagmamalaki ng aktres.

Eh, ang kasal, kailan ba mangyayari?

“Darating yan sa tamang timing. Pero medyo…  coming from a broken family, parang mahirap din akong makapaniwala sa kasal lalo na nung kabataan ko,” reaksyon ni Ana.

Patuloy ni Ana, “Pero as time goes by, parang hindi, eh. Porke ba broken family kami at may nagkamali sa kanila, kailangang matakot na rin ako at wag magpakasal?

“So para sa akin, I still value pa rin na magpakasal kung ibibigay ng nasa Taas. Parang every girls dream yon, di ba?

“Alam mo naman, hindi lahat ng tao ganun ka-liberated, kapag yung mga bata pinasok mo sa school may mabu-bully kapag hindi kasal yung parents,” she said.

Kakayanin pa ba niyang magbuntis?

“Sana naman. Hindi pa naman ako menopause. Kung magagawa pa in a natural way, why not? Kung hindi na, kailangan ko nang mag-ipon para sa IVF at ang mahal ha.

“Sa Australia mura ng konti, mahal pa rin. Yon nga lang, ang maganda sa Australia, meron siyang genetic testing, tayo dito kasi wala pa.

“Kung dumating yung baby na hindi pa kami kasal, siyempre blessing yon. Pero mas maganda sana kung mauna yung marriage di ba? Ideal ko pa rin yon,” huling pahayag ni Ana sa PUSH.