43rd MMFF Entry: ‘Meant To Beh’

Iba ang ‘Meant To Beh’ sa mga naksanayang Vic Sotto movie.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/12/2017 9:15 AM
43rd MMFF Entry: ‘Meant To Beh’


 

Sa pagbubukas ng 43rd Metro Manila Film Festival, isa sa mga inaabangang pelikula ay ang Meant To Beh na pinagbibidahan ni Bossing Vic Sotto at ni Dawn Zulueta.

Ito ang maituturing na reunion project ni Bossing at Dawn matapos ang mahabang panahon na sila ay huling nagsama para sa Okay Ka, Fairy Ko!

Pero ngayong taon, ibang timpla ng pelikula ang handog ni Bossing Vic para sa pamilyang Pilipino na nakasanayan siyang makasama tuwing kapaskuhan.

"Parang na-umay na ako sa fantasy, hindi ko naman binabaliwala yung fantasy pero puro fantasy yung ginawa ko for so many years and I wanted to change and I wanted to move on from puro fantasy. I wanted something realistic and I wanted sana na nakaka-relate yung mag-asawa, yung mga anak na teenager, yung anak na mataba. So this is something different something new for me." Sabi pa Vic 

Bukod sa kina Vic at Dawn, makakasama din sa pelikula sina Daniel Matsunaga, Sue Ramirez, JC Santos at iba pa.

Mapapanuod ang Meant To Beh sa pagbubukas ng 43rd Metro Manila Film Festival ngayong December 25 sa direksyon ni Chris Martinez.