• Home
  • Fresh Scoops
  • “Smaller and Smaller Circles” makes history as first local horror mystery thriller

“Smaller and Smaller Circles” makes history as first local horror mystery thriller

Ang Smaller and Smaller Circles ay base sa isang nobela na isinulat ni Felisa H. Batacan noong 1997.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/11/2017 3:59 PM
“Smaller and Smaller Circles” makes history as first local horror mystery thriller


 

 Patuloy ngayon sa pag-ani ng positibong komento ang isa sa mga bagong pelikula ng TBA Studios na Smaller and Smaller Circles.

Ang Smaller and Smaller Circles ay base sa isang nobela na sinulat ni Felisa H. Batacan noong 1997 at tungkol sa isang krimen ng pagpatay sa mga bata.

Kaya naman, labis ang naging pasasalamat ng mga bida nito na sina Nonie Buencamino, Sid Lucero at Carla Humphries para sa magandang feedback na kanilang nakukuha mula sa pelikula.

"Tangkilin natin ang mga pelikulang ganito, mga kapwa Pilipino kapwa kababayan," sabi ni Nonie.  

Proud at masaya din para sa positibong pagtanggap ng mga manunuod ang direktor nito na si Raya Martin. 

Aniya, ito ang unang pagkakataon na naisalin mula sa pelikula ang fictional crime book. 

"Ito yung unang adaptation ng book and I think it's a very important landmark in Philippine literature and now in the movies," ani pa ng director.  

Gaya ng kanyang mga artista, masaya din si Direk Raya para sa pag tanggap ng mga Pilipino sa kanilang pelikula.

"I think always ready naman ang mga Filipino for something different, kailangan lang ibigay sa kanila na and I think lahat ng nakakabasa nito sinasabi nila na it's very cinematic so for a director, it's a dream come true to turn it into a movie. Kasi para talaga siyang pelikula habang nagbabasa ka ng libro," pagtatapos na pahayag nito.