• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Montes reacts to Coco Martin already wanting to have children of his own

Julia Montes reacts to Coco Martin already wanting to have children of his own

Julia Montes also shares how much she admires Coco Martin.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/11/2017 9:06 AM
Julia Montes reacts to Coco Martin already wanting to have children of his own


 

Isa ang Kapamilya actress na si Julia Montes sa mga pinarangalan sa katatapos lang na 2017 Anak TV Awards bilang Makabata Star for 2017.

Read: Kapamilya stars humakot ng parangal sa Anak TV Awards 

Dahil dito labis na nagpasalamat si Julia sa pagkilala na kanyang natanggap at inalay ito para sa isang espesyal na tao sa kanyang buhay.

"Siguro ito na po yung greatest reward sa lahat po ng puyat, hirap ng emosyon na dinadala natin sa trabaho natin and stress. Ito siguro yung worth ng lahat and siguro ito yung pinakamagandang maireregalo ko sa lola ko, na siya talaga yung naghirap para samahan ako sa journey ng pagiging artista, so para sa kanya talaga ito," pahayag ni Julia. 

Hindi man daw napapanuod ngayon sa TV ang aktres matapos ang kanyang hit afternoon teleserye na Doble Kara, sinugurado naman ng dalaga na muli siyang magbabalik para sa isang kaabang-abang na proyekto ngayong darating na 2018.

"Anytime soon, mapapanuod na po kami, nag te-taping na po kami at may bagong serye po kami, ang Asintado. I-aannounce po namin pero siguro next year pa po iyan," sabi pa ni Julia.  

Patikim pa na kuwento ng aktres, malayo daw ito sa kanayang ginampanan na role noon sa Doble Kara.

"It’s more of suspense-drama, siyempre may love story and family drama pa din ito, pero I'm sure ibang Julia Montes po ang makikita niyo," kwento ni Julia. 

Bukod sa pagbibigay detalye sa kanyang upcoming projects, all out support din daw si Julia para sa kanyang maituturing na malapit na kaibigan na si Coco Martin para sa upcoming movie nito na Ang Panday na mapapanuod sa pagbubukas ng 2017 Metro Manila Film Festival.

"Bukod sa suportang personal, siguro prayers din and I'm very happy for him din kasi maski noon na nag start pa lang siya nakikita ko na yung talent niya and ngayon nai-papakita na niya sa inyong lahat kung gaano siya kagaling, kung ano yung creative mind na meron siya," papuri ng aktres kay Coco. 

Sa patuloy na pagtatanong pa ng entertainment press kay Julia, hindi din naiwasan na itanong kung patuloy pa din ba ang kanilang pag-uusap.

Matatandaan na si Julia Montes ang napapabalitang inspirasyon umano ni Coco, na unang nagkasama noong 2012 para sa hit teleserye na Walang Hanggan at pelikulang A Moment in Time noong 2013.

 

#HBDCocoMartin @mr.cocomartin from @montesjulia08! #CocoMartin #B617

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

 

"Yes meron pa din naman, tuloy pa din ang communication. Siguro sobrang busy lang lalong lalo na siya mayroon siyang Ang Panday at Ang Probinsyano, ayun," sagot pa ng dalaga.  

Nahingi din ang reaksyon ni aktres sa naging pahayag noon ni Coco na gusto na niyang magkaroon ng sariling anak

READ: Sino nga ba si Baby Ricky sa buhay ni Coco Martin? 

"Deserve niya na maging masaya," ang maiksing sagot ni Julia. 

Hangga din daw ang aktres sa dedikasyon ni Coco sa trabaho kahit na kaliwa't kanan pa ang proyekto nito.

"Yes of course, kasi siya yung tao na mapapagod na lahat pero siya yung huling huli na mapapagod and isa siyang magandang inspirasyon sa lahat ng mga katrabaho, hindi lang sa kapwa artista. Kasi kung siya nga hindi marunong mapagod, what more yung mga ka trabaho mo pa." 

Dahil kapwa abala ngayon sa kanilang mga proyekto, paalala naman ni Julia para kay Coco na bigyan oras din daw nito ang kanyang sarili, lalo na ang kalusugan nito.