• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Lotlot de Leon shares thoughts on getting married again

EXCLUSIVE: Lotlot de Leon shares thoughts on getting married again

Sinabi ng aktres na masaya siya sa kanyang tahimik at pribadong love life.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/11/2017 9:13 AM
EXCLUSIVE:  Lotlot de Leon shares thoughts on getting married again


Photo credit: @ms.lotlotdeleon IG

 

Tahimik ang personal na buhay ni Lotlot de Leon pero hindi ibig sabihin no’n na wala siyang love life.

Ayon sa aktres nang makausap siya ng PUSH sa announcement presscon BG Productions for the movie Almost A Love Story, na pinagbibidahan nina Derrick Monasterio at Barbie Forteza, masaya at kontento naman siya sa personal at buhay pag-ibig niya ngayon.

Aniya, “I’m happy and I’m content.”

When asked kung balak pa ba niyang magpakasal ulit, sagot ni Lotlot, “Tingnan na lang po natin. Ayoko nang magsalita, eh, kasi parang nadyi-jinx yata, nauudlot. So tingnan na lang natin.

“Pero siyempre bilang babae, wala naman yatang hindi gusto na talagang lumagay sa tahimik o to settle down.”

Pero ayaw naman daw niyang madaliin ang mga bagay-bagay ngayon.

“You know, I’ve learned that nothing should be rushed anymore especially  sa edad ko, I’m 45, in five years 50 na ako, di ba? I’m just enjoying everyting. Enjoy lang. Let’s see, if God blesses me with other things I will accept them wholeheartedly,” katwiran pa niya.

Dating asawa ni Lotlot ang aktor na si Ramon Christopher at aminado si Lotlot na nai-enjoy din niya ang pagiging pribado ng love life niya ngayon.

“May mga bagay naman na puwede ka namang i-share, na gusto mong maging parte din ng lahat. Pero may mga iba na gusto mong pangsarilil na lang,” sambit ng aktres.

Samantala, proud naman si Lotlot na ang anak na si Janine Gutierrez ay isang Anak TV awardee.
“Nakakatuwa kasi si  Janine, she took up European Studies in Ateneo and she always been wanting to be an ambassador – out of the country, ganyan, kung hindi nag-artista.

“The thing that she’s been receiving now, is like she’s also an ambassador for the youth, di ba? Na she’s setting a good example, maganda yung  pinapakita niya sa mga kabataan na sana, eh, matularan din ng iba, na magandang ehemplo talaga si Janine.

“She deserves that kasi she really works very hard. Down to earth naman kasi si Janine, eh,” proud niyang pahayag tungkol sa anak.