• Home
  • Fresh Scoops
  • Vilma Santos nakikitang masaya ang anak na si Luis Manzano kasama si Jessy Mendiola

Vilma Santos nakikitang masaya ang anak na si Luis Manzano kasama si Jessy Mendiola

Nagpapasalamat si Vilma Santos kay Jessy Mendiola dahil masaya si Luis Manzano.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/10/2017 10:27 AM
Vilma Santos nakikitang masaya ang anak na si Luis Manzano kasama si Jessy Mendiola


 

Silver wedding anniversary o 25th year na nina Cong. Vilma Santos and husband Sen. Ralph Recto sa December 11. Ayon sa Star for All Seasons, may committee hearing siya that day.

Wala bang planong mag-celebrate?

“Plans? Sinabi ni Ralph, biro lang naman kung ano ang gusto ko. Travel o ikakasal ulit? Sabi ko, ‘We’ve been together for 32 years na.’ Seven years kaming mag-on plus 25 years, 32 years na kami.

“Sabi ko, travel na lang pag may time. Kasi kailangan ko rin ‘yon. ‘Yun lang ang time na nagiging sane ka! Haja! Normal, di ba?” kuwento niya.

Last November ay nakapagbakasyan naman daw siya kasama ang pamilya na ginagawa naman nila every year kaya okey na rin.

“Looking forward talaga ako in a year pag birthday ko na may konting break kahit paano. ‘Yung kasama mo ang pamilya mo.”

She’s also looking forward kapag noche buena dahil nakakasama niya sa bahay ang buong pamilya.

Aniya, “Family ‘yon. Pag sinabing family, kasama lahat. Pati ‘yung ating kasambahay, nagki-Chirstmas kasama ang pamilya nila.  ‘Yun ang lagi naming Christmas.”

Eh, kumusta naman ang dalawang anak na lalaki niya na sina Luis at Ryan?

“So far, Luis is very happy. Si Ryan is looking forward. Fixing his future. Twenty one na so nag-iisip na para sa future niya. Ano ba talaga ang gusto niya? Kasi si Lucky, that time hindi pa rin alam ang gusto.

“Nag-iisip kung ano ang gusto niyang patunguhan. Awa ng Diyos, thank you, Lord. Okay naman,” kuwento niya.

Nagbigay din ng reaksyon si Cong. Vi sa sinabi ni Luis na bibigyan niya ng magandang lahi ang girlfriend na si Jessy Mendiola.

“Alam mo naman ‘yon. Humor lang ni Luis ‘yon. Humor ng anak ko ‘yon. But the way I see things, they’re very happy eh. Binigyan nga niya ng birthday surprise kahapon si Jessy eh. Birthday niya. Binigyan niya ng party.

“Nakikita ko, happy eh. Eh pag happy ang anak mo, happy ka na rin, di ba? And that’s why I am thanking Jessy for making my son happy, di ba? Kasi nakikita ko na masaya ang anak ko.

“At saka ngayon ko lang siya nariringgan ng ganyan. ‘Yang ganyang salita nya. I guess kahit papano, in a way, he’s preparing for a life with a partner. But again, kung magdedesisyon, siya pa rin ‘yan,” mahaba niyang paliwanag.