• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Deadma Walking’ director Julius Alfonso bilib sa chemistry ni Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa

‘Deadma Walking’ director Julius Alfonso bilib sa chemistry ni Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/10/2017 10:10 AM
‘Deadma Walking’ director Julius Alfonso bilib sa chemistry ni Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa


 

Masayang-masaya ngayon ang mga bumubuo ng 2017 Metro Manila Film Festival entry na Deadma Walking na pinagbibidahan nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman.

Isa kasi ang Deadma Walking sa mga unang na-Graded A ng Cinema Evaluation Board.

Kaya naman labis-labis na kasiyahan din ang nararamdaman ng direktor nito na si Julius Alfonso.

"Ang sa amin lang naman, gusto namin mag-kuwento. Kahit na indie producer, audience-friendly pa din siya and Palanca awardee ito year 2016. So doon pa lang masasabi ko na na maayos na itong kuwento," paliwanag ni Direk Julius.

Proud din si direk sa kanyang mga bida na sina Joross at Edgar Allan dahil sa naging performance ng mga ito.

 

 

"Crying is the best medicine. Fite me!" - Edgar Allan Guzman as Mark #DeadmaWalkingMMFF2017

A post shared by T-Rex Entertainment Prod (@trex_entertainment) on

 

"Sobrang kulit, pero sobrang saya. Napakatalino nilang mga artista at suwerte kami dahil best friend talaga sila in real life so hindi na talaga kami nahirapan sa chemistry. And mayroon silang mga sikreto na sila lang ang nakaka-alam na bigla na lang lalabas doon sa eksena."

Inamin ni direk na may ibang artista din sila ikinunsidera para sa mga lead role noon.

"May pinagdaanan na din. Kumbaga sa administrasyon may pinagdaanan na din at may naging choices na kami bago kami nag-end up sa kanilang dalawa. Even John Lloyd (Cruz) was very interested din and Dingdong Dantes was very accommodating pero hindi lang tumugma," paliwanag ni Direk Julius.

Bukod sa todo papuri ni direk Julius kay Joross at Edgar Allan, bumubuhos din ng papuri ang star-studded na trailer ng Deadma Walking kung saan nag-cameo ang ilang kapamilya stars.

 

 

Pak na pak! Umabot na ng 4 million ang combined trailer views in 3 days! Thank you, mga beshies :* #DeadmaWalkingMMFF2017

A post shared by T-Rex Entertainment Prod (@trex_entertainment) on

"Yes, mga friends ni Joross, friend ko. Kumbaga naging team effort din namin para mas lalo pa mapaganda ang pelikula. Masasabi natin na mas napalaki (ang movie) kasi given naman na talaga yung story pero relevant naman din ang nangyari," pagtatapos na pahayag ni direk Julius.

Mapapanuod ang Deadma Walking sa pagbubukas ng 2017 Metro Manila Film Festival sa darating na December 25.