• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Xian Lim on Kris Aquino’s message to Kim Chiu: ‘It’s a harmless comment’

EXCLUSIVE: Xian Lim on Kris Aquino’s message to Kim Chiu: ‘It’s a harmless comment’

Xian Lim believes Kris Aquino only wants what she believes is best for Kim Chiu.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/1/2017 9:53 AM
EXCLUSIVE: Xian Lim on Kris Aquino’s message to Kim Chiu: ‘It’s a harmless comment’


 

Before the year ends ay magkakaroon muna ng special pre-Christmas show ang Kapamilya heartthrob na si Xian Lim para sa kanyang supporters and fans. Magaganap ang concert titled Key of X Live on Sunday, December 3, 7 p.m. sa Eastwood Open Park.

During his blogcon, hiningi agad ng PUSH ang reaksyon ni Xian tungkol sa message na ipinost noon ni Kris Aquino sa kanyang social media account para kay Kim Chiu na kuha sa isang block screening para sa pelikulang Ghost Bride.

Sa post, sinabi ni Kris na, “Pinag-pray pa kita kagabi nung nagma-mass kami sa Padre Pio. Na sinabi ko talaga na… sinabi namin na sana may you find true and lasting love talaga. Kasi gusto namin ‘yun for you.”

Ano ba ba ang reaksyon niya dito?

“Nakikita ko lang sa… sa totoo lang, nakikita ko lang yung mga nagme-message sa akin about that.

“Ah, well, si Ms. Kris naman is a good friend of Kim, eh. So, di ba parang she always… every time na nakikita ko silang dalawa together, she always expresses her care and affection talaga – genuine care and affection kay Kim,” simula niyang reaksyon.

Hindi rin daw niya minamasama kung anuman ang sinabi ni Kris.

“So, yung… it’s good na meron si Kim na ganun, to always give her that love, di ba? And for Kris to be doing that for Kim, for her to always, have Kim by her side is very big deal para kay Kim…

“So, wala naman. I mean, personally, what I think about it, it’s a harmless comment or harmless gesture,” sambit pa ng singer-actor.

Ayon pa sa binata, ayaw din niya itong pangunahan.

Aniya, “Hindi ko naman papangunahan yung… Honestly, hindi ko pa nababasa yung sinabi ni Ms. Kris, but si Ms. Kris naman, I know she has the purest intention.

“She loves Kim so I don’t think she would do anything na makakasira o makakasakit kay Kim,” sey pa niya.

Friends ba sila ni Kris?

“Oh, yeah. I mean, I wouldn’t say, ‘Yeah friends ko si Kris, no, no!’” sagot niya sa tanong namin.

“I mean, si Ms. Kris, I think she is… ang tawag nga namin, kumare, kasi yung inaanak namin yung anak ni Dimples (Romana).

“Kami naman ni Ms. Kris, we don’t share the same personal connection na katulad nila ni Kim, but I mean, nung nag-All We Need Is Pag-ibig kami ni Ms. Kris, we had an open heart to heart talk naman. Never pa kaming nagkuwentuhan outside of work,” kuwento ni Xian.

Sa palagay ba niya boto sa kanya si Kris para kay Kim?

“Siguro… hindi ko alam, hindi ko alam. I think so, I think so,” natatawa niyang tugon.

In-assure din ni Xian ang kanilang supporters na wala silang dapat ipag-alala sa relasyon nila ni Kim ngayon.

“I would say na don’t worry about us. Don’t think too much, yon na lang. I understand bakit sila nagkakaganun, di naman natin kailangang isa-isahin. Just be happy, happy-happy lang tayo. There shouldn’t be room for negativity,” message niya sa kanilang fans.

Samantala, sold out na ang VIP tickets para sa Key of X Live ni Xian pero pwede pa raw humabol para sa standing room only (SRO) tikets sa halagang P450 kasama na dito ang libreng Key of X album at 2018 calendar.