• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Junjun Quintana on Ellen Adarna: ‘Yung image lang naman po ang ayaw sa kanya ng tao’

EXCLUSIVE: Junjun Quintana on Ellen Adarna: ‘Yung image lang naman po ang ayaw sa kanya ng tao’

Ellen Adarna’s former co-star Junjun Quintana believes that the actress is just misunderstood.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/1/2017 9:44 AM
EXCLUSIVE: Junjun Quintana on Ellen Adarna: ‘Yung image lang naman po ang ayaw sa kanya ng tao’


Photo credit: @maria.elena.adarna IG (R)

 

Indie actor Junjun Quintana has something to say about sexy star Ellen Adarna whom he had a chance to work with on ABS-CBN TV series The Greatest Love several months ago.

Ginampanan noon ni Junjun ang role ni Andres na nang-rape sa karakter ni Ellen as Gloria at ayon sa binata, magaang katrabaho ang sexy star.

“Kasi si Ellen Adarna, she is a fine actress. She is, she truly is po. Hindi siya yung akala natin ganun. Pagdating sa drama, ako bilang aktor, naramdaman ko po siya. Naramdaman ko po yung puso niya, yung pagmamahal niya sa craft niya,” pagde-describe pa niya sa dating katrabaho.

Kaya naman ikinalulungkot daw niya ang panghuhusga ng karamihan kay Ellen at sa pinagdadaanan nila ngayon ni John Lloyd Cruz.

“Sir Leo, ito lang ang opinion ko dyan, personal opinion, may kanya-kanya po tayong imahe sa mata ng publiko lalo na kung ikaw ay isang celebrity – be it if you are a famous newscaster or just a plain simple actor.

“With the image that she has, or the she’s been known for, sa tingin ko yon lang naman po yung ayaw sa kanya ng tao. Pagdating sa personal na buhay po siguro ng isang tao at kung ano yung pinagdadaanan niya, sa tingin ko po wala naman na tayong dapat gawing isyu o pakialaman, magbigay ng opinion,” reaksyon ng magaling na aktor.

“We can always talk about… we can always share about our opinions that whatever we want to say, eh, puwede naman pong sabihin. But as long as hindi naman sila nakakasama sa atin, siguro wag na po,” dagdag pa niya.

Dapat din daw respetuhin ng mga tao kung anuman ang naging desisyon nina John Lloyd at Ellen.

Aniya, “Yung iba pong tao na nanghuhusga, kasi po, personal na buhay nila yon, eh.

“Sa tingin ko po, kay John Lloyd naman, kung ano yung desisyon niya, di ba po, ako po bilang isang ordinaryong tao na nagbibigay lang ng opinion, buhay po kasi ni John Lloyd yon.”

Maaari rin daw na may matinding dahilan si Lloydie kung bakit nag-decide na siyang bumuo ng pamilya sa piling ni Ellen.

“Siguro, fed up siya sa sistema na kung ano mang merong sistema na ayaw niya –sa family or sa network–sa tingin ko po desisyon niya na yan at sa tingin ko po sa edad niya, siguro po ibigay natin yung freedom sa kanila na magkaroon ng isang matinong relationship, kung gusto na ba nilang magkaanak.

“Sa tingin ko po, it’s more on the respect that we should show in return of what these two people have shown us long time ago being an inspiration to many people. Sa tingin ko po, ibigay natin yung private life nila sa kanila,” sambit ulit ni Junjun.

Tungkol naman sa personality ni Ellen, naniniwala si Junjun na misjudge at misunderstood lang ang dating kapareha sa The Greatest Love.

“What really fascinates us as human beings are the things that really surprises us. So, si Ellen po, akala nating ganun-ganun, Cebuana, kalog type of person, she’s very vocal and she came from a very well-known family in Cebu. Pero pagdating po sa trabaho, magugulat ka na lang prepared yung tao.

“That’s what makes her more interesting as a person. Yung kala mo bandying-bandying lang or easy go lucky type of girl lang pero pagdating sa trabaho napaka-professional niya,” papuri pa niya kay Ellen.

Dagdag ng binata, “Kapag ganun po ka-professional yung katrabaho natin talagang ma-admire natin, that would be very admirable. Si Ellen po ang sa mga tao na nakilala ko na ganun. Nami-misjudge kasi kung paano po siya sumikat. I mean, through sexy videos and everything, it’s her market po, eh. Pero no one could really judge anybody na hindi nama natin talaga kilala.”

Samantala, kasama si Junjun sa pelikulang Smaller and Smaller Circles na pinagbibidahan nina Nonie Buencamino at Sid Lucero mula sa TBA Productions na palabas na sa December 6.

Nasa cast din si Junjun ng kasisimula pa lang na Kapamilya Gold series na Hanggang Saan na pinagbibidahan naman nina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.