• Home
  • Fresh Scoops
  • Veteran choreographer Douglas Nierras gives back to his hometown in Tacloban

Veteran choreographer Douglas Nierras gives back to his hometown in Tacloban

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/9/2017 9:14 AM
Veteran choreographer Douglas Nierras gives back to his hometown in Tacloban


 

Isa ang veteran dance choreographer na si Douglas Nierras sa mga punong-abala ngayon sa ika-apat na taong paggunita sa mga nasalanta ng Typhoon Yolanda noong 2013.

Bilang taga-Tacloban, masaya si Douglas sa kanyang tungkulin ngayon bilang isang consulting director ng kabuuan ng mga programa para sa commemorative day ng Typhoon Yolanda o ang Padayon Tacloban.

"Dito po ako pinanganak… I spend my elementary years here and my family also comes from here," sabi ng veteran dance choreographer sa panayam ni Jeff Fernando ng ABS-CBN News.

Kilala si Douglas bilang isang mahusay na choreographer pero sa ngayon ay iba daw ang gagawin niya para sa Tacloban.

"I came here to help and to give direction for the whole event for the fourth commemorative year of Typhoon Yolanda together with the local performers of Tacloban," ani pa ni Douglas.

Aniya proud din daw siya bilang isang taga-Tacloban sa tibay at determinasyon ng kanyang mga kababayan sa pag-ahon mula sa trahedya.

"In the past four years kasi after the typhoon Yolanda ang ginagawa ng mga Tacloban is magtrabaho ng magtrabaho to improve life, the quality of life after the devastation kaya kahanga-hanga ang naging dedikasyon ng bawa’t isa," pahayag pa ni Douglas.