• Home
  • Fresh Scoops
  • Robi Domingo, Jodi Sta. Maria, and Ruffa and Richard Gutierrez to host PMPC Star Awards for Television

Robi Domingo, Jodi Sta. Maria, and Ruffa and Richard Gutierrez to host PMPC Star Awards for Television

Anu-ano ang dapat abangan sa Star Awards for TV?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/9/2017 9:23 AM
Robi Domingo, Jodi Sta. Maria, and Ruffa and Richard Gutierrez to host PMPC Star Awards for Television


 

Labanan ng mahuhusay na programa, artista, hosts, mga tagapagbalita at mga alagad ng telebisyon ang bibigyan ng rekognisyon sa isang makulay at maningning na Gabi Ng Parangal ng 31st PMPC Star Awards For Television.

Gaganapin ito sa ika-12 ng Nobyembre, 2017, sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University.

Magsisilbing hosts ang magkapatid na Ruffa at Richard Gutierrez, kasama sina Jodi Sta. Maria at Robi Domingo.

Sa opening, aawitin nina Ronnie Liang, Jason Dy, Kris Lawrence, Radha at Jessa Zaragosa ang theme songs ng mga nominadong teleserye.

Isang song and dance number (boy band songs) naman ang handog ng mga millennials na sina Elmo Magalona at Janella Salvador, kasama ang Boyband.Ph.

At bilang tribute sa Ading Fernando Lifetime Achievement Awardee na si Vic Sotto, hahandugan siya ng awitin nina Vina Morales and The Company.

Ipagkakaloob ang Excellence In Broadcasting kay Martin Andanar; Longest Running Daytime Drama Anthology ang Maynila at German Moreno Power Tandem ang dalawang sikat na loveteam na JoshLia (Joshua Garcia & Julia Barretto) at JakBie (Jak Roberto & Barbie Forteza).

Mula sa pamunuan ng pangulong Fernan de Guzman, mga opisyal at miyembro, ang 31st PMPC Star Awards For Television ay handog ng Airtime Marketing Philippines, Inc. ni Tess Celestino at sa direksyon ni Bert de Leon.

Mapapanood ang kabuuan ng show sa ABS-CBN's Sunday's Best, sa November 19, 2017.