• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nangangailangan ng maraming dugo

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nangangailangan ng maraming dugo

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, humihingi ng tulong para sa kanilang adbokasiya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/9/2017 9:27 AM
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nangangailangan ng maraming dugo


 

Kabahagi na ngayon ng Philippine National Red Cross ang La Luna Sangre lead stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pangangalap ng maraming dugo para sa mga taong nangangailangan.

Isa ito sa mga advocacy na itinataguyod ngayon ng KathNiel.

Sa bloodletting activity na ginanap noong November 5 sa PNRC building along EDSA Corner Boni Avenue ay maagang dumating ang supporters and fans na nag-organize ng event pati na ang mga taong boluntaryong nagpakuha ng dugo.

Panay din ang encourage ni Daniel sa iba pang mga tao na gustong mag-donate ng dugo. Pupuwede raw silang magsadya sa opisina ng Red Cross kung gusto nila. Layunin ng advocacy na mapalitan ang ibang mga dugo na nagamit na sa blood bank.

“Kinukulang tayo ng dugo. Kinukulang po tayo ng donasyon ng dugo. Kaya po nandito kami ngayon para maging aware tayo na kinukulang tayo. Kailangan po nating mag-donate,” malambing na pakiusap ni Daniel.

Ayon pa kay Tristan ng La Luna Sangre, hindi naman daw masakit ang magpakuha ng dugo.

“Sa umpisa ang medyo masakit kasi tutusukin ka ng karayom, pero after that, wala na. Isipin mo na lang na nakatulong ka sa mga tao at bigla ring mawawala yung sakit,” pangunumbinse pa ng binata.

Hirit pa ni Daniel, “Masarap mag-donate dahil nakakatulong tayo to save lives.”

Inamin naman nina Daniel at Kathryn na hindi sila nakapag-donate ng dugo sa naturang event dahil hindi sila qualified. Ang dahilan, kababalik lang nila ng Pilipinas mula Singapore at kailangan pa ng panahon to check if safe sila to donate blood.

“Pero ako po, dati nakapag-donate na ako,” sambit naman ni Daniel.

Samantala, patuloy na namamayagpag sa ratings ang La Luna Sangre na ipinagpapasalamat ng KathNiel.

 “Patuloy po naming gagawin ang best namin para makapagbigay ng magandang teleserye sa inyo. Sobrang salamat po mga nanonood at sumusuporta sa amin,” pahayag nina Kathryn at Daniel.