• Home
  • Fresh Scoops
  • Isabel Granada, binigyan ng full military honors ng Philippine Air Force

Isabel Granada, binigyan ng full military honors ng Philippine Air Force

Dumating na ang labi ng singer-actress na si Isabel Granada sa Pilipinas kaninang umaga.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/9/2017 1:13 PM
Isabel Granada, binigyan ng full military honors ng Philippine Air Force


Photo credit: @isabelgranada21 IG

 

Dumating na ang labi ng singer-actress na si Isabel Granada na namatay sa Doha, Qatar dahil sa aneurysm. Sinalubong siya ng kanyang mga kapamilya – ex husband na si Geryk Genasky Aguas at anak nilang si Hubert Thomas.

Hindi naman naitago ng husband ni Isabel na si Arnel Cowley ang pag-iyak nang dumating si Isabel na nasa loob ng isang casket sa airport.

Pagdating sa airport ay binalutan ng Philippine flag ng Philippine Air Force ang casket ni Isabel. Binigyan din nila ito ng full military honors dahil sa pagsisilbi ng aktres noon for two years as airwoman second class sergeant.

Ayon naman kay Arnel, mahihirapan siyang mag-move on dahil sa nangyari sa asawa.

“We did things together, we traveled together... Now that she's gone, I really don't know what I'm going to do pero somehow I'm going to try to push through. She was a loving wife, a caring person. She's always giving time to people and she's just a people's person. Very loving...” sambit pa niya.

Samantala, umani ng libu-libong views ang post sa Facebook Live  ng grupo ng  mga Pinoy sa Qatar na naka-convoy sa paghahatid ng  casket ni Isabel sa Hamad International Airport.

Halos lahat ng nanonood sa Facebook para sa “Final Journey of Isabe Granada in Qatar… She’s Coming Home to the Philippines” ay hindi maiwasang maging sentimental at maiyak lalo na nang marinig nila ang background music na puro kanta ni Joey Albert tulad ng Million Miles Away, Ikaw Lang Ang Mamahalin, Tell Me, among others.

Dinala na ang labi ni Isabel sa Santuario de San Jose Parish sa Greenhills East Village, Mandaluyong.

Ang public viewing ay sa November 10 and November 11 from 10 AM to 5 PM only. Cremation of Granada's remains is scheduled on Sunday pagkatapos ng final mass sa Arlington.