• Home
  • Fresh Scoops
  • Marlo Mortel inaalay ang mga proyekto para sa kanyang ina na may karamdaman

Marlo Mortel inaalay ang mga proyekto para sa kanyang ina na may karamdaman

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/8/2017 9:06 AM
Marlo Mortel inaalay ang mga proyekto para sa kanyang ina na may karamdaman


 

Sa kabila ng pinagdadaanang pagsubok ni Marlo Mortel dahil sa karamdaman ng kanyang ina, nanatiling masaya at positibo ang singer-actor nang nakapanayam ito ng entertainment press sa media launch ng pelikulang Fallback ng Star Cinema at Cineko Productions.

 

#TeamFallback ❤️

A post shared by Marlo Mortel (@marlomortelmusic) on

Dito, labis ang pasasalamat ni Marlo para sa patuloy na nagdadasal, tumutulong at sumusuporta sa kanyang ina na patuloy lumalaban sa sakit na cancer.

"Thankful ako actually lalo na sa ginawa ko na benefit concert. Nakita ko talaga na ang dami ng tumulong. Iba't-ibang artista na willing talaga sila mag-guest for free and may mga nag-abot din ng money kaya thankful ako. Thank you din sa Magandang Buhay dahil madami ang nag-reach out," sabi pa ni Marlo.

Kasabay ng kanyang patuloy na pagkayod para sa kanyang, thankful at feeling blessed pa din si Marlo para naman sa sunod-sunod na pagbuhos ng blessings at proyekto sa kanya.

"Sobrang happy ako actually nag sabay-sabay ang blessings. Siguro will talaga ito ni God for my mom, for my family since ako lang ang nag-work sa amin kaya blessing ito. And ginagawa ko pa din talaga ang best ko sa movie na ito and ipapakita ko talaga na may talent talaga ako sa acting," ani pa ni Marlo.

Aminado si Marlo na kahit na napapagod na siya ay pinaghuhugutan niya ng lakas ng loob ang kanyang ina.

"Malungkot everyday nakikita ko siya na ganun may sakit but ginagawa ko na lang siyang inspiration na mas mag-work hard pa ako. Actually nag-usap na kami ng mommy ko. Napag-usapan namin na kailangan talaga namin magtulungan. Kailangan ko palakasin ang loob niya kasi medyo pinanghihinaan na siya ng loob, nagbibilin na minsan but still we are fighting. Kahit na hirap na hirap na siya lumalaban pa din siya," saad pa nito.

Nagpa-abot din ng pasasalamat si Marlo para sa mga fans nila ni Janella Salvador na walang sawa ang suporta sa kanilang naging love team.

"Sa mga fans namin ni Janella, super thankful ako kasi sa Be Careful With My Heart pa lang ang dami na nila e. Ramdam na ramdam ko talaga yung suporta nila sa amin, but I'm very happy for her sa career niya ngayon. Super-close din naman kasi kami and nag-uusap din namin kami na suportahan lang. No hate, just love," pahayag pa ni Marlo.

Bukod sa mga nakalinyang proyekto kay Marlo, napapanuod din ang binata sa sa morning show na Umagang Kay Ganda.