Isabel Granada, nakatakdang i-cremate sa Linggo

Simula na bukas, November 9, ang burol ng aktres na si Isabel Granada.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/8/2017 4:12 PM
Isabel Granada, nakatakdang i-cremate sa Linggo


Photo credit: @isabelgranada21 IG

 

Bukas (Huwebes, Nov. 9), bandang ala-una ng hapon ang nakatakdang pagdating ng bangkay ni Isabel Granada mula sa Doha, Qatar kung saan siya inatake at namatay dahil sa aneurysm.

Sa huling post ni Bianca Lapus, isa sa malalapit na kaibigan ni Isabel, ay nagbigay siya ng detalye sa kanyang Facebook account tungkol sa schedule ng burol ng kaibigan.

Ibuburol si Isabel sa Santuario de San Jose Parish na matatagpuan sa Duke corner Bufalo Sts.,East  Greenhills, Mandaluyong City.

Narito ang kompletong schedules:

Samantala, inaasahan ang pagdagsa sa lugar ng mga tagahanga at kaibigan ni Isabel kaya nakikiusap ang  kanyang mga kapamilya na sundin lamang ang nakalagay sa schedule.