• Home
  • Fresh Scoops
  • Kisses Delavin, sinabing “fake news” ang balitang si Edward Barber ang bagong partner niya

Kisses Delavin, sinabing “fake news” ang balitang si Edward Barber ang bagong partner niya

Ayon kay Kisses nirerespeto niya ang partnership ng mga kaibigang sina Edward at Maymay Entrata.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/7/2017 8:19 PM
Kisses Delavin, sinabing “fake news” ang balitang si Edward Barber ang bagong partner niya


 

Mariing tinanggi ni Kisses Delavin ang balitang ang co-Pinoy Big Brother housemate niyang si Edward Barber na ang bago niyang makaka-love team. Ang kasalukuyang onscreen partner ni Edward ay ang PBB Big Winner na si Maymay Entrata.

“May respeto ako sa partner ni Edward. May respeto po ako sa lahat ng kaibigan ko. Hindi po ako open na maki-partner sa partner ng kaibigan ko,” ani Kisses sa ABS-CBN News.

READ: Kisses denies that she will be paired with Edward

Kamakailan ay kinumpirma niyang hindi na niya ka-tandem ang co-housemate din niyang si Marco Gallo at mas masaya siya sa solo career niya ngayon.

"If may part sa akin na nalulungkot, 'yun 'yung sa fans, 'yung sa KissMarc supporters kasi love ko sila. And it hurts me to think na nagdurugo ang puso nila because of the love team. Pero what I can promise them is that it's for the best. Talagang ngayon I feel happier, I feel blessed, I feel free, I feel comfortable, I feel safe.”

Payo niya sa “KissMarc” fans, mawawala rin ang kalungkutan na nararamdaman nila at mas makabubuti ito para sa lahat.