• Home
  • Fresh Scoops
  • Bianca Lapus inilarawan ang gown na isusuot ni Isabel Granada sa burol

Bianca Lapus inilarawan ang gown na isusuot ni Isabel Granada sa burol

Inilala din ni Bianca ang masasayang panahon na kasama niya si Isabel.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/7/2017 3:36 PM
Bianca Lapus inilarawan ang gown na isusuot ni Isabel Granada sa burol


Photo credit: @isabelgranada21 (R)/ @biancalapus IG (L)

 

Inilarawan ni Bianca Lapus sa kanyang Facebook account ang ang ilang detalye tungkol sa gown na isusuot ni Isabel Granada sa kanyang burol pagdating nito ng Pilipinas.

Ayon sa dating aktres na malapit na kaibigan ni Isabel, Isabel will be wearing ethereal gown, created with fine French lace and flowy gaze faconne fabric, accentuated w/heavy embroidery lace & white Topaz Swarovski crystals.

Post ni Bianca, “I've been staring at the design of my friend @beabianca.ph Bea Bianca Mackey drew based on the description i imagined you to wear for the last time... Simple, classy… like a beautiful angel… ikaw na ikaw.”

Patuloy niya, “Dati wala kang reklamo kahit ginagawa kitang human barbie doll kaka fit ng mga dress ko magka size pa tayo nuon eh -- Small  kaya nasad ka nung shooting ng Halik ng Sirena kasi Medium na size ko at puro duster ang wardrobe ko bilang mermaid ang role natin.

“At ngayon XL na ako kelan lang pinapagalitan mo ako gusto mo ako painumin ng healthy juice at mag badminton. Don't worry i have been trying to get fit for the past 2 months talaga and Large na lang ako ngayon .

“When you arrive, you will wear this Ethereal gown, created with fine French lace and flowy Gaze Faconne fabric, accentuated w/heavy embroidery lace & white Topaz Swarovski crystals you will look just like sleeping beauty ❤ 

“I will forever treasure the genuine friendship you gave sis, my kumare...Isabel Granada,  pasensya na sa times na di mo ako mahagilap at pagkukulang ko. i love you!” madamdamin niyang post na may hashtag na  #ripisa #ripisabelgranada #iloveyouisa.

Binawian ng buhay si Isabel noong Sabado (Nov. 4) habang nasa isang ospital sa Doha, Qatar dahil sa aneurysm.

Ilalagak ang kanyang labi sa Sanctuario de San Jose (Greenhills, Mandaluyong simula Nov. 9 (Thursday) at iki-cremate ilang araw matapos ang burol.
 
Inalala rin ni Bianca ang masasayang sandali na pinagsamahan nila ni Isabel.

“You always tell me i am as funny as @vhongx44 and if we did not marry young & separated we would have been the funniest couple ever and if we had at least 5 kids our life as a family would be like a comedy sitcom.

“You would always praise Vhong for being kind & humble and our son @yceisnotonfire for being such a loving & sweet son. Then out of the blue mag vi-video call ka just to say hi kasi di na nga tayo lagi nagkikita unlike before. 

“I can't find our pictures together mula nung naka 3 lipat bahay na ako but im hoping ill get to find it pa din di pa kasi uso ang mga selfie at digicam nuon. Nauuna ka pa nga mag good morning sa beeper ko kesa sa boyfriend ko, hahaha! 

“But as the years went by, we would remind each other from time to time that our friendship is real. Walang halong kashowbizan,” bahagi pa ng kanyang post.