• Home
  • Fresh Scoops
  • 2017 Miss Universe Philippines bet Rachel Peters nape-pressure na mai-uwi ang korona?

2017 Miss Universe Philippines bet Rachel Peters nape-pressure na mai-uwi ang korona?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/7/2017 9:27 AM
2017 Miss Universe Philippines bet Rachel Peters nape-pressure na mai-uwi ang korona?


 

All set at excited na ang pambato ng Pilipinas na si 2017 Miss Universe Philippines Rachel Peters para sa nalalapit na 66th Miss Universe pageant na gaganapin sa Planet Hollywood Hotel and Resorts sa Las Vegas, USA.

Sa naging one-on-one interview ng PUSH sa kandidata ng Pilipinas, ibinahagi ni Rachel ang kanyang pananabik para sa nalalapit niyang laban.

"I'm very excited, I want to go tomorrow, I want to be there already. Parang it's like dragging so long because the excitement is there ever since they release the date of the pageant it's been like pasabog after pasabog," bungad na kuwento ni Rachel.

"I'm just ready to go and meet the girls and show the world or the universe rather what I can do," dagdag pa ng Pinay candidate.

Aminado si Rachel na hindi biro ang kanyang pinagdaanang training sa pamumuno ng kanyang talent camp na Kagandahang Flores. Aniya, pinakamahirap niyang naging kalaban ang kanyang oras.

"Balancing my time. Noong una palagi kong sinasabi ang pinakamahirap yung hair and makeup pero I've really grown to actually enjoy it. Like I love doing my makeup in the morning, trying something different. But now the heat is on, there are so many things to do like last-minute fitting, gym. It's really hard talaga to balance your time," sabi pa ni Rachel.

Hectic man ang kanyang schedule, thankful pa din daw siya para sa patuloy na pagsuporta sa kanya ng kanyang mga mahal sa buhay.

 

Ang aking pamilya ❤️ so happy we were complete for this special night 😭✨@didiiipeters @nigelrpeters @anitasplendita

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx) on

"My family, they live in Thailand so we talk by WhatsApp group and FaceTime. But since I'm busy, we don't get to talk as often as before. But they always send me motivational messages like 'We're so proud of you! No matter what happens you are winner to us' something like that," sabi ni Rachel.

Malaki din ang pasasalamat ng Pinay candidate sa kanyang ever-supportive na boyfriend na si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte na kasama ng kanyang pamilya na lilipad at manunuod ng kanyang laban sa Las Vegas.

 

Missing my guy 💛

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx) on

"Same as my family. He's very busy, he understands my work hours, he understands how tiring it can be, he always gets the grumpy Rachel side (laugh). But he understands because he knows what is like," ani pa ni Rachel.

Dagdag pa niya na malaki din ang role ng kanyang boyfriend sa kanyang naging training lalo na sa Question and Answer.

"He motivates me, he helps me with my Q and A, he keeps me updated with the news minsan kahit I'm driving, while working out and even sa training. Kahit na hindi ko nababasa yung news when I get home I ask him what's the news today and he'd tell me what he's read. Mga ganun, very supportive." 

Sa kanyang nalalapit na pag-alis ngayong linggo, baon ng 26-year-old candidate ang panalangin at pag-asa na muling maiuuwi ng Pilipinas ang korona kung saan nanalo si Pia noong 2015.

Dahil dito aminado si Rachel na nararamdaman niya ang pressure ng kompetisyon ng Miss Universe.

"Medyo nakaka-pressure to be honest, kasi all my messages like 'ate! I think mananalo ka' but obviously, I don't want to put that pressure on myself, I just go there with an open mind and I want to have fun," pagtatapos na pahayag ni Rachel.

Mapapanuod ang live telecast ng 66th Miss Universe coronation night sa darating na November 26 sa kapamilya network.