• Home
  • Fresh Scoops
  • Hashtag Jon Lucas nalungkot sa pagpanaw ng ‘second mom’ na si Isabel Granada

Hashtag Jon Lucas nalungkot sa pagpanaw ng ‘second mom’ na si Isabel Granada

Si Isabel Granada ang gumanap na ina ni Jon Lucas sa teleseryeng “Got to Believe.”

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/6/2017 2:28 PM
Hashtag Jon Lucas nalungkot sa pagpanaw ng ‘second mom’ na si Isabel Granada


Photo credit: @hashtag_donjon (L)/ @isabelgranada21 (R0

 

Isa lang si Hashtag Jon Lucas sa nakaramdam ng kabaitan ng namayapang singer-actress na si Isabel Granada. Nakasama ng binata si Isabel noon sa ABS-CBN series na Got To Believe na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ayon sa kuwento ni Jon, wala pa siyang sasakyan noong mga panahon na yon at naramdaman niya ang malasakit ni Isabel nagumaganap naman bilang nanay niya sa teleserye nang ihatid pa siya nito pauwi sa kanyang bahay.

Ikinalungkot ni Jon ang biglaang pagpanaw ni Isabel na ayon sa kanya ay “pangalawang nanay” niya. Pumanaw na din ang ina ni Jon nito lamang buwan ng September.
 
Ipinost din ni Jon ang mga messages (direct message) sa kanya ni Isabel sa Instagram na karamihan ay hindi niya nasasagot kaya raw nakokonsensiya siya.

“Nawalan ako ng dalawang nanay ngayong taon lang to. Ngayon ko lang ulit binalikan mga message mo sa ‘kin sa instagram.

“Nakonsensya naman ako ng sobra ngayon. May times pala na di talaga ako nakakapagreply sa mga message mo sakin :((( hindi kasi ako talaga mahilig tumingin sa direct message sa IG.

“Pero nakakainis kasi di ko po pala naparamdam sa ‘yo nung nagme-message ka sa ‘kin na andito ako bilang anak mo para mag-reply sa mga pagpaparamdam mo ;( Mommy Isa hindi ka nagkulang sa ’kin kahit di tayo magkadugo, lagi mo pinapalakas loob ko lalo na sa industriya na to na pinasok ko :((( palagi kang andiyan para suportahan ako at kamustahin kalagayan ko lalo pamilya ko.

“Sa bawat pagsabi mo sakin ng “hi anak” kinikilig ako at natutuwa kasi binibigyan halaga ako ng taong napapanood ko na at iniidilo ko mula pagkabata ko. Di ko maimagine hanggang ngayon na ganyan mo ko kinakausap at pinapahalagahan… sa bawat “hi anak” mo para mo talaga akong anak parang nanay na rin kita talaga.

“Naalala ko pa wala akong kotse nung taping natin, puyat ka na pero hinatid mo pa ako sa bahay para lang malaman mo na safe ako makakauwi. Mommy Isa salamat ng maraming marami sayo :(( parehas pa kayo ng kinawala ng totoong nanay ko. As in parehong pareho :(((( sorry mommy Isa! I love you so much!! Mamimiss din kita. Salamat sa mga payo mo po,” kabuuan ng post ni Jon.