• Home
  • Fresh Scoops
  • Bianca Lapus inihahanda na ang puting damit na isusuot ni Isabel Granada para sa kanyang burol

Bianca Lapus inihahanda na ang puting damit na isusuot ni Isabel Granada para sa kanyang burol

Showbiz friends, abala sa funeral service ni Isabel.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/6/2017 1:10 PM
Bianca Lapus inihahanda na ang puting damit na isusuot ni Isabel Granada para sa kanyang burol


Photo credit: @biancalapus (L)/ @isabelgranada21 IG (R)

 

Sa dating aktres at isa sa malalapit na kaibigan ni Isabel Granada na si Bianca Lapus (Lalaine Bianca Lapus) nalalaman ng publiko at mga taga-showbiz ang ilang updates tungkol sa funeral service ni Isa.

Si Bianca rin ang naghanap ng design para sa damit na isusuot ni Isabel sa kanyang burol.

“Nanginginig ako habang naghahanap ng design para sa puting damit na susuotin mo, gusto ko simple lang pero magandang maganda pa din kasi haharap ka kay Lord. 

“Lalo ka siguro maganda kasi totoong angel ka na. Lagi ko sinasabi sayo noon mula nung una kita makilala at makasama bilang best friend mo sa Love Notes na shinoot sa Puerto Azul summer of 1997 na para kang barbie doll ang sarap bihisan, binigyan pa kita ng 3 dress nun kasi tuwang tuwa ka sa mga binili kong dress sa hongkong.

“Kahit di tayo madalas magkita lalo na nung feeling ko OFW ka na dahil sa pampanga ka nag settle palagi mo pa din ako kinakamusta sa text or fb lalo na pag bday natin, inuupdate lagi sa inaanak namin ni vhong, sa 2 dekada ng pagkakaibigan natin, never natin namiss bumati sa isa't isa lalo na magka bday tayo. Ito na pala ang last time na mabibihisan kita. #ripisa #ripisabelgranada #iloveyouisa,” post ni Bianca bilang pag-alala sa magagandang pinagsamahan nila ni Isabel.

Pinasalamatan din ni Bianca si Bea Bianca Mackey na pumayag gawin ang puting damit na isusuot ni Isabel.

Kasama rin ni Bianca na nag-aayos tungkol sa funeral wake and service ang ilang mga kaibigan nila ni Isabel sa showbiz.

Sa isa niyang post ay magkakasama sila ni Nadia Montenegro, James Salas at Jaycee Parker na nag-meeting sa isang restaurant sa Quezon City. Hindi naman nakadalo sa miting sina Lotlot de Leon, Chuckie Dreyfus at Niño Muhlach.

Post ni Bianca, “We (some of her close friends) are helping out in arranging Isabel Granada's wake & funeral service before her remains arrive in the coming days. Again, further announcements will be made and posted once we get final decision from the family. They have been going through alot for the past days Let's keep on praying for Isabel especially her Family. Thank You for understanding.#ForIsa

Samantala, nagdesisyon ang pamilya ni Isabel na sa Sanctuario de San Jose (Greenhills, Mandaluyong ilalagak ang labi ni Isabel simula Nov. 9 (Thursday).

 

Last Night's Meeting #ForIsa missing Aileen & @chuckiedreyfus , @oninmuhlach & ate @mslotlotdeleon

A post shared by Lalaine Bianca Lapus (@biancalapus) on