• Home
  • Fresh Scoops
  • Albie Casiño, naninibago bang walang intriga sa buhay niya ngayon?

Albie Casiño, naninibago bang walang intriga sa buhay niya ngayon?

Masaya si Albie Casiño na hindi na siya iniintriga dahil kay Andi Eigenmann ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/6/2017 6:06 PM
Albie Casiño, naninibago bang walang intriga sa buhay niya ngayon?


 

Masaya si Albie Casiño na hindi na siya pinuputakti ng intriga pagkatapos ma-clear ang isyu sa kanila ni Andi Eigenmann at sa anak nito. Maging ang personal na buhay ngayon ni Albie at ang kanyang love life ay hindi na rin masyadong pinag-uusapan.

Naninibago ba siya na walang intriga sa buhay niya ngayon?

“Hindi naman po, tuwang-tuwa lang ako, sa totoo lang. Mas gusto ko talaga yung ganito, yung walang intriga,” sambit niya sa PUSH.

“Okay lang na hindi mapag-usapan, mas okay sa akin yung ganun. Kita mo nga, wala kang matanong di ba?

“Dati ayokong mag-attend ng presscon, pero ngayon okay lang, kasi wala na silang matatanong sa akin, eh, wala na,” natatawa niyang komento.

Ibinahagi rin sa PUSH ni Albie ang learnings niya sa mga pinagdaanang intriga.

Aniya, “Na-realize ko lang talaga na bata pa ako no’n. Kasi di ba, pag bata ka, akala mo pagdating mo ng 18 matanda ka na, kaya mo na yung sarili mo, di ba, at least na-realize ko na I’m still growing into the person I’m going to become, parang ganun. Ngayon, I’m still transitioning into the person I will be.”

Samantala, bukod sa pagiging bahagi ni Albie sa afternoon series na Pusong Ligaw ay inaabangan din siya sa Bench fashion show sa November 18 sa MOA Arena.

Isa si Albie sa pinakabagong endorser ng naturang clothing line at rarampa sa Bench Under The Stars fashion show. First time ni Albie ang magsuot ng underwear sa isang endorsement, pero hindi raw ito naging isyu sa kanya.

“Hindi na yon bago sa akin. Nasobrahan na nga ako sa ASAP before, lagi akong nakahubad don. Hahaha!

“Endorsement yon, eh. Work yon. Saka ano naman kung magsuot ako ng underwear. Pinaghandaan ko rin naman yung katawan ko. Ang tagal ko na ring inayos yung katawan ko at saka hindi naman yon bastos,” katwiran niya.

Magsusuot din ba siya ng underwear sa pagrampa niya sa Bench fashion show?

“Basta abangan na lang nila. Marami silang dapat abangan don. Sigurado akong marami silang makikita don, hahaha!” natatawang pahayag ni Albie sa PUSH.