Winwyn Marquez is the New Reina Hispanoamericana 2017

Ang 25 year old beauty queen ang unang kandidata na isinabak ng Pilipinas sa prestigious pageant na ito sa South America.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/5/2017 1:56 PM
Winwyn Marquez is the New Reina Hispanoamericana 2017


 

Wagi sa katatapos lang na Reina Hispanoamericana ang pambato ng Pilipinas na si Teresita Ssen Winwyn Marquez.

 

Teresita. 6 days to go..❤️ @dookieducay @renzpangilinan @pongniu @ryujishiomitsu ❤️

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@wynmarquez) on

Ang 25-year-old beauty queen ang unang kandidata na isinabak ng Pilipinas sa prestigious pageant na ito sa South America.

 

¡Conocemos oficialmente las candidatas a #ReinaHispanoamericana2017! Teresita Ssen Marquez, Miss Filipinas Edad: 25 Años Estatura: 1.68 cm

A post shared by Reina Hispanoamericana (@rhispanaoficial) on

Bago pa man ang coronation night, top favorite na ang Pinay beauty dahil sa natural na husay na ipinamalas nito sa mga activities ng pageant.

 

Las ganadoras de la 2da #GalaDeLaBelleza de #ReinaHispanoamericana2017.

A post shared by Reina Hispanoamericana (@rhispanaoficial) on

Nakilala si Winwyn bilang isa sa mga anak ng sikat na mga showbiz personalities na sina Joey Marquez at Alma Moreno.

Kilala din si Winwyn bilang isang mahusay na dancer na kanya ding ipinamalas sa talent portion ng Reina Hispanoamericana.

Unang sumabak si Winwyn sa 2015 Binibining Pilipinas kung saan nakalaban niya noon ang naging Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

 

🙏 #presspresentation

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@wynmarquez) on

Hindi man pinalad sa kanyang unang pagsali sa Binibini, muling sumubok ang dalaga sa pagsali sa 2017 Miss World Philippines kung saan siya ay kinoronahan bilang opisyal na kandidata ng Reina Hispanoamericana.

 

I wish I had a better photo of my crowning moment but i'll settle for this one 😅 this moment was so surreal..hindi ko maexplain nararamdaman ko. The only thing that was on my mind was "is this really happening?" 🙈 I may not have won the top crown but I am still very very happy with my title. I know I was placed here for a reason. :) though alam ko mahirap ang sasalihan ko and I only have a little time to prepare kakayanin padin! Thank you sa lahat ng naniwala my aces & queens family who guided and trained me so hard i love you guys so much, Francis Libiran who made my gorgeous gown, Pong and Renz for always making me look like a queen, my alma maters San Beda College Alabang and SISC for all the support, my Miss World sisters for making my journey so memorable sobrang mahal ko kayo girls tanggap ko na, na ako na nga talaga ate niyo 😅, my loved ones (mark, my siblings and my friends) who always pushed me to follow my dreams and to never give up and ofcourse to my parents you two made me who I am today..you guys kept me grounded. They dont know how much you sacrificed for us and this is one way I can say thank you sainyo. My Diploma, Teaching Certificate and now my Crown is for you mama and daddy. ❤️ Para sa mga pinagdaanan niyo and para sa pagpapalaki saamin ng maayos. • • also, please do not belittle the title just because you don't know anything about it or dahil ngayon niyo lang narinig and nag ququestion bakit tayo kasali etc.. please try do a little research and try to be open minded bago mag criticize ng sobra. ❤️ I am so honored to be the first ever Filipina to join this pageant and i'll be "Miss Philippines" in Bolivia and doon palang winner na ako. ❤️ instead of questioning everything magtulungan nalang tayo para makita ng lahat na BUO ang supporta ng mga pinoy ✔️❤️👑🌎

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@wynmarquez) on

Hindi man bihasa sa wikang Espanyol, pinamalas padin ni Winwyn ang kanyang talino sa kanyang pagsagot sa Q and A sa pamamagitan ng wikang Ingles.

Bukod kay Winwyn itinanghal naman bilang First Runner Up ang kandidata ng Brazil. Second Runner Up ang kandidata ng Venezuela, Third Runner Up ay mula sa Mexico at Fourth Runner Up naman ang kandidata mula sa Bolivia.

Itinanghal din bilang Virreina Hispanoamericana ang kandidata ng Curazao.

Sa ngayon wala pang detalye ng petsa ng pagbabalik bansa ni Winwyn na labis na inaabangan ng kanyang pamilya at mga taga suporta.