• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jerome Ponce, wala daw hinuhugutan para gumanap bilang kontrabida

EXCLUSIVE: Jerome Ponce, wala daw hinuhugutan para gumanap bilang kontrabida

Inaral lang daw ng mabuti ni Jerome Ponce kanyang role sa ‘The Good Son’.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/5/2017 9:20 AM
EXCLUSIVE: Jerome Ponce, wala daw hinuhugutan para gumanap bilang kontrabida


 

Biniro namin si Jerome Ponce na parang hindi siya umaarte sa primetime series na The Good Son ng ABS-CBN dahil effortless ang pagganap niya sa character ni Enzo Buenavidez na anak ni Eula Valdez at kapatid sa ama ni Joshua Garcia.

“Ay, grabe naman yung effortless. Hahaha! Pakiramdam mo talaga ganu’n ako kasama?” pabiro ring reaksyon ng binata sa amin.

Eh, bakit ganun ka-natural ang acting niya na tila may matinding pinaghuhugutan?

“Alam mo naman ang istorya ng buhay ko, di ba, yung sitwasyon namin before ng father ko, pero hindi ako do’n humuhugot kasi unti-unti na namang naaayos.

“Ano lang, inaaral ko lang talaga yung character ko. Medyo mahirap nga kasi laging dapat may angst, wala yung happy-happy lang, pero yon ang binigay sa akin, eh, kaya ginagawa ko lang naman yung trabaho ko,” paliwanag ni Jerome.

Marami rin ang nakapansin na mas bagay kay Jerome ang magkontrabida at maging bad boy sa TV.

“It means lang siguro na gusto nila yung performance ko at nai-enjoy nilang panoorin,” reaksyon niya ulit.

“Kahit naman anong role ang ibigay sa akin, okay lang naman ako. Kahit pa bida yan, kontrabida, masama o mabuting tao, puwede naman ako don kasi nga role playing lang naman yon,” dagdag niya.

Gusto ba niyang tuluy-tuloy na magkontrabida sa TV?

“Wala naman pong problema sa akin. Basta kung saan may trabaho,” sagot niya. “Kung sa tingin nila effective talaga akong kontrabida, well, salamat. Pero sana bigyan pa rin nila ako ng mabait na role.

“Sa labas nga po Enzo na ang tawag nila sa akin hindi na Jerome. Parang nakakapanibago kasi hindi yung pangalan ko ang tinatawag nila pero nakakatuwa rin kasi ibig sabihin tumatak talaga sa kanila yung character ko sa The Good Son,” lahad pa niya.

Eh, kumusta ang mga confrontation scenes nila ni Joshua?

“Okay lang naman po. Kapag kasi magaling yung kaeksena mo, madadala ka rin talaga. Lahat naman po sila magagaling kaya sobrang nakaka-motivate sa set,” sambit pa niya.