• Home
  • Fresh Scoops
  • Ex-husband and husband showed overflowing love 'till Isabel Granada’s last breath

Ex-husband and husband showed overflowing love 'till Isabel Granada’s last breath

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/5/2017 11:13 AM
Ex-husband and husband showed overflowing love 'till Isabel Granada’s last breath


 

Malungkot ang showbiz sa pagpanaw ng singer-actress at dating miyembro ng That’s Entertainment na si Isabel Granada. Binawian ng buhay si Isabel sa Doha, Qatar kagabi dahil sa cardiac attack at aneurysm.
   
Parehong nag-post sa kanilang Facebook accounts ang ex-husband ni Isabel na si Jericho Genasky Aguas at ang kasalukuyan nitong mister na si Arnel Cowley.
 
Parehong naging madamdamin ang posts nina 'Geryk' at Arnel na nagpapasalamat sa mga panahong nakasama nila si Isabel. Ipinakita rin ng dalawang mister ni Isabel na hindi nila iniwan ang aktres kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon.

Kung sa iba ay awkward na magsama sa iisang lugar ang ex-husband at ang present husband, sa kaso ni Isabel ay naging posible ang lahat. Ipinakita lang nina Geryk at Arnel na bukod sa pagmamahal, nirerespeto rin nila ang aktres.

Arnel allowed Geryk to be with Isabel 'till her last breath kasama ang anak nilang si Hubert Thomas Jericho. Even former Viva Hot Babe member and sexy star Jaycee Parker na ngayon ay karelasyon ni Geryk assisted Mommy Guwapa and Hubert para mapadali ang pagpunta nila sa Qatar.
    
Bumuhos sa social media ang pakikiramay sa mga naulila ni Isabel who was only 41 years old. Ikinalungkot din ng mga kaibigan niya from showbiz ang kanyang maagang pagpanaw.
 
Madamdaming post ni Bianca Lapus na isa sa malalapit na kaibigan ni Isabel sa kanyang Facebook: “Heaven just gained another Angel.... Rest in Peace sis @isabelgranada21 i am thankful for the 2 decades of friendship we had.

“Ok lang kahit di na tuloy ang date natin at inuman ng guyabano juice at pagtatawanan natin na after i gave birth hindi na kasya sakin ang costume natin sa play na noli me tangere kung saan nag alternate tyo as maria clara at tinanggap ko yung role ko na mermaid sa Halik ng Sirena dahil sa iisang rason na ikaw ang bida dun kahit hirap na hirap ako sa buntot ko at muntik malunod tapos tawa ka ng tawa.

“Yung tawa mo, yun ang gusto ko tandaan ngayon kasama ng pambansang eyelashes mo ... Ang importante hindi ka na nahihirapan.no more pain. I know you fought sis. Pahinga ka na. Mahal kita.❤ #ripisa #ripisabelgranda.”

Kasabay ng post ni Bianca ay nag-attached din siya ng photo ni Isabel na animo’y nasa isang paraiso.
    
Samantala, habang namamayagpag ang career ni Isa sa showbiz ay hindi siya natsismis kahit kailan na nagkaroon ng attitude problem. Nanatili siyang humble sa kabila ng kanyang kasikatan noon. She is also best remembered sa pagiging energetic kapag nagpe-perform at sa pagkakaroon ng mahaba at magandang eye lashes.

Rest in peace, Isabel Granada.