Cristine Reyes aminadong maldita pa din

Sabi ni Cristine, prangka lang siyang tao, na iba sa personalidad na iniisip ng tao sa kanya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/6/2017 3:00 AM
Cristine Reyes aminadong maldita pa din


Photos credit to mrscristinekhatibi IG

 

Wala muna sa plano nina Cristine Reyes at asawang si Ali Khatibi ang sundan ang panganay nilang si Amara. Ayon kay Cristine nang makausap siya ng PUSH hindi raw paggawa ng baby ang kanilang priority.

“Well, possible naman pero mas maganda siguro na balik muna ulit ako sa trabaho kasi medyo matagal din akong nagpahinga,” rason pa ng aktres.

Marami rin ang nakapansin na tila mas bumait ngayon si Cristine kumpara noong wala pa siyang asawa at anak.

Reaksyon niya, “Well, aminado naman ako na hindi nawala yung pagka-maldita ko. People think na maldita ako but it’s just being transparent which people doesn’t accept it. Gusto nila yung pa-sweet, pa-tweetums which I’m not like that.

“So, I think I’m still the same. It’s just that, ang gusto lang ng mga tao siguro, gusto nila yung pa-sweet. Parang I’m not like that, eh. They find me maldita because of being real.”

Ang napansin lang daw niya sa sarili ay medyo nabawasan yung pagiging straight forward niya.

“Siguro, ang nabawas yung pagiging straight to the point ko. Minsan, pag meron akong mga issues sa ibang tao, dati talagang…  minsan sa social media ko dinadaan. Pero ngayon, natuto na ako na maging civil na lang. At saka, being a mother, siguro nagiging protective din lang ako sa anak ko,” paliwanag niya.

Nilinaw din niya ang isyu na she is a “controlling wife” kay  Ali Khatibi.

“Not naman controlling. He’s just being ano, nagre-remind lang siya sa akin. Si Ali, very ano siya, eh, cordial, very family man and conservative.”

 

Meryenda kasama ang makukulit kong alaga 😍 @mralikhatibi

A post shared by twitter: @cristinekhatibi (@mrscristinekhatibi) on

Masaya rin si Cristine na nae-enjoy ng asawa ang pag-arte sa La Luna Sangre bilang isa sa kanang kamay ni Richard Gutierrez.

 “Nung makilala ko kasi si Ali, sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, bagay ka sa showbiz,’ kasi kaya niyang makipag-usap to anyone.

“’Yung parang…  ako kasi, may effort ako eh, dahil hindi talaga ako ma-PR na tao, kumbaga, tahimik lang ako. Si Ali ‘yung kabaligtaran ko. So, sabi ko sa kanya, ‘parang bagay ka sa showbiz, ganyan ‘yung kailangan ng showbiz, ‘yung totoo.’ Ako, I’m too real.

“And nakikita ko na may potensyal din, and at the same time, ‘yung mga direktor niya, sinasabi na magaling siya, so happy ako for him,” masaya niyang kuwento.

Wala rin daw dahilan para magselos siya ngayon sa napangasawa.

 “Hindi naman niya ako binibigyan ng  rason na magselos. Pero siguro, kung may instances na dapat akong pagselosan, babae pa rin ako, alam mo ‘yun? I’m sure…

“Pero ayokong dumating sa punto na gusto kong magselos. Pero kasi right now, hindi naman niya ako binibigyan ng rason para magselos,” pagtatapos ng isa sa lead stars ng Spirit of the Glass 2, na showing na last Nov. 1.