• Home
  • Fresh Scoops
  • Chuckie Dreyfus hindi pa rin makapaniwalang pumanaw na ang dating ka-love team na si Isabel Granada

Chuckie Dreyfus hindi pa rin makapaniwalang pumanaw na ang dating ka-love team na si Isabel Granada

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/6/2017 2:44 AM
Chuckie Dreyfus hindi pa rin makapaniwalang pumanaw na ang dating ka-love team na si Isabel Granada


 

Malaki ang paniniwala ni Chuckie Dreyfus, dating ka-loveteam at kasamahan sa That’s Entertainment ni Isabel Granada na makaka-recover ito pagkatapos ma-comatose at mag-suffer ng aneurysm sa Doha, Qatar.

Nabanggit din noon ni Chuckie na balak pa sanang dalhin ni Mommy Guwapa ang anak sa Spain para doon patingnan at ipagamot.

“Isabel's family who is with her in Qatar are planning on getting another opinion by flying in a doctor from Spain through the help and assistance of the Philippine and Spanish embassies. Please continue to pray for Isabel and her loved ones,” post ni Chuckie noon.

But sadly, pumanaw na ang singer-actress kagabi.

Sa panibagong post ni Chuckie sa kanyang Facebook account ay pinasalamatan niya ang dating katrabaho at ka-loveteam.

“Maraming salamat sa lahat ng pagkakataon na nagkasama tayo. Sa lahat ng panahon na pinasaya mo ako at ang pamilya ko. Sa pagmamahal na lagi mong pinaramdam sa akin ng buong puso.

“Sa bawat tawa, bungisngis, kurot at hampas sa akin na hindi ko makakalimutan.

“Kasama mong nawala ang napakalaking parte ng buhay ko na kailanman hindi ko na maibabalik.

“Ayoko pa rin maniwala.

“Sana sa panaginip man lang makita at makausap kita kahit papaano. Kahit man lang doon.

“Paalam, Isa.

“Mahal na mahal na mahal kita.”