• Home
  • Fresh Scoops
  • Arjo Atayde and Sue Ramirez are the new love team to watch out for

Arjo Atayde and Sue Ramirez are the new love team to watch out for

Arjo Atayde is praised by veteran co-actress for his romantic role in new Kapamilya serye.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/6/2017 2:34 AM
Arjo Atayde and Sue Ramirez are the new love team to watch out for


Photo credit to sueannadoodles IG

 

Sa show launch ng bagong Kapamilya serye na All That Matters na pinagbibidahan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, ni-reveal ni Arjo na magkakaroon ang character niya dito ng love story at ang kanyang leading lady ay si Sue Ramirez.

“First time,” diumano ito for Arjo. Hindi nagbuhat ng kanyang bangko si Arjo pero nagsalita ang batikang artista na si Ces Quesada, na kasama rin sa naturang serye, para sa tambalang Arjo at Sue. “Sasabihin ko lang kasi siyempre si Arjo, humble talaga tong batang to ‘no.  Medyo sinasabi niya na nahihirapan siyang tanggalin ang pagka-Joaquin niya pero I can assure you, kasi karamihan ng eksena ko kasama ko siya saka si Sue, alam mo nakakakilig silang dalawa.”

Ang sinasabing ‘Joaquin’ ni Ces ay ang matagal na ginampanan na kontrabida role ni Arjo sa FPJ’s Ang Probinsyano, na talaga namang tumatak na sa mga manonood ng Kapamilya network.

Patuloy pa ni Ces na kaabang-abang ang tambalang Arjo at Sue. “Di mo maiimagine kung gaano, ibang-iba talaga siya dito. So I think bukod sa tambalang Arjo at Sylvia bilang mag-nanay, ang bagong aabangan ay yung kanilang love story hindi mo maiimagine na si Arjo, capable din talaga. Actually, nakakakilig yung mga eksena nila.”

Sumegundo si Sylvia at number one fan talaga ng bagong tambalan ang kasamahan nilang si Ces.

Nang tanungin si Arjo na kung pwedeng mauwi sa totohanan ang love team niya with Sue, ang sagot ni Arjo ay, “Hindi e, paano ko ba mae-explain. As of now I’m building a (working) relationship with her and I’ve known Sue since the start of my career. One of the first few artists na nakilala ko na sobrang bait sa akin, so right now po ang masasabi ko we really have a good working relationship.”

Dagdag pa ni Arjo regarding Sue, “I love her. She’s not maarte, sobrang husay na arista. This is her genre so nung napili po si Sue I was so happy. Hindi ako magmamarunong, bago to sa akin, so for sure matututo ako sa kanya. And I am, no doubt I am. Kasi napakahusay niya talaga, mapa-light man o mapadrama magaling siya.”