• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao replaces Angelica Panganiban in a teleserye with Julia Montes

Shaina Magdayao replaces Angelica Panganiban in a teleserye with Julia Montes

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/4/2017 2:07 PM
Shaina Magdayao replaces Angelica Panganiban in a teleserye with Julia Montes


 

Matatandaang bibida sana sa teleseryeng 'Victims of Love' sina Angelica Panganiban at Julia Montes at ito na rin sana ang unang pagkakataon nilang magkatrabaho. Ngunit sa panayam ng PEP, kinumpirma ni Agot Isidro, na kasama rin sa serye, na hindi na makakasama ang Banana Sundae mainstay.

"Yes! Siya (Shaina Magdayao) na ang final. I'm glad, kasi si Shaina gumanap na ng anak ko eh. And she's a very good actress," ani Agot. Hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang aktres kung bakit si Shaina na ang bibida sa kanilang upcoming serye.

Bukod sa kanila, kasama rin dito sina Aljur Abrenica, Paulo Avelino, Lorna Tolentino, Cherry Pie Picache at JC Santos.