• Home
  • Fresh Scoops
  • Physicist-beauty queen Karen Ibasco is the new Miss Earth 2017

Physicist-beauty queen Karen Ibasco is the new Miss Earth 2017

Ipinasa ni Miss Ecuador Katherine Espin kay Miss Philippines Karen Ebasco bilang bagong Miss Earth.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/4/2017 11:57 PM
Physicist-beauty queen Karen Ibasco is the new Miss Earth 2017


 

Wagi ang gandang Pinay sa katatapos lang na 2017 Miss Earth beauty pageant na ginananap sa Mall of Asia Arena.

Itinanghal bilang bagong Miss Earth 2017 si Karen Ibasco na physicist at college instructor sa University of Santo Tomas.

Sa edad na 26 years old, pinagsabay ni Karen ang kanyang propesyon at pangarap na maging isang beauty queen.

 

Nakilala si Karen sa iba't ibang beauty pageant gaya na lamang sa Miss Manila at noong isang taon sa Binibining Pilipinas.

 

Will #Binibini8 make it? Find out on April 17 at @thearanetacoliseum #BbPilipinas2016

A post shared by Binibining Pilipinas (@bbpilipinasofficial) on

 

At sa kanyang pagsali sa Miss Earth, nais maging tulay ni Karen bilang isang Physicist ang maging taga pagpalaganap ng kaalaman sa paggamit ng renewable energy.

Bukod kay Karen itinanghal naman bilang 2017 Miss Earth Air si Nina Robertson ng Australia, 2017 Miss Earth Fire si Lada Akimova ng Russia at 2017 Miss Earth Water si Juliana Franco ng Colombia.

Si Karen Ibasco na ang ika-apat na Pinay na nagwagi sa Miss Earth Beauty Pageant. Ipinasa sa kanya ang korona ni Miss Ecuador Katherine Espin.

WATCH: Karen Ibasco’s winning answer during Q & A of Miss Earth 2017