Luis Manzano, kakaibang birthday gift ang balak ibigay sa inang si Vilma Santos

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/04/2017 09:43 AM
Luis Manzano, kakaibang birthday gift ang balak ibigay sa inang si Vilma Santos

 

Nagdiwang ng kanyang 64th birthday nitong November 3 ang Star for All Seasons at Lipa, Batangas representative na si Vilma Santos Recto.

Dahil dito, kaliwa't kanan na birthday greetings sa social media ang ipinaabot ng kanyang mga kasamahan at kaibigan sa showbiz.


 

 

Ang kanyang panganay na si Luis Manzano naman ay nagbigay ng detalye kung ano ang kanyang plano na iregalo sa kanyang ina.

"Para maiba naman bibigyan ko siya ng problema (laughs). Alam mo naman kasi meron na siya lahat. Problema naman ibibigay ko sa kanya," pagbibirong pahayag ni Luis.

Tulad ng pagmamahal niya sa kanyang ina, espesyal din daw ang regalo niya para rito.

"She always prefers something special, nothing expensive something special from the heart," ani pa ni Luis.

Di gaya ng mga nakaraang taon, mas pinili ngayon ni Ate Vi na ipagdiwang ang kanyang kaarawan ng tahimik sa labas ng bansa kasama ang kanyang pamilya na isa sa mga birthday wish nito.

 

 

Make a wish! Happy Birthday #CongVi!

A post shared by Vilma Santos-Recto (@vsrecto) on

Sa kanyang pagbabalik naman, may malaking inihahanda ang mga Vilmanians para sa muling pagpapalabas ng ilan sa mga digitally-restored movies ni Ate Vi gaya ng Tag-Ulan sa Tag-Araw at Langis at Tubig na magkakaroon ng gala night sa November 14 sa Glorietta Cinema sa Makati.