• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Queen Pilot Nelda Ibe itinanghal bilang 1st Runner-Up sa 2017 Miss Globe Beauty Pageant

Beauty Queen Pilot Nelda Ibe itinanghal bilang 1st Runner-Up sa 2017 Miss Globe Beauty Pageant

Si Miss Vietnam Do Tran Khanh Ngan ang naguwi ng korona bilang Miss Globe 2017.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/4/2017 12:17 PM
Beauty Queen Pilot Nelda Ibe itinanghal bilang 1st Runner-Up sa 2017 Miss Globe Beauty Pageant


 

Wagi ang Asian beauties sa katatapos lang na 2017 Miss Globe beauty pageant na ginanap sa Tirana, Albania.

Itinanghal bilang 2017 Miss Globe si Do Tran Khanh Ngan ng Vietnam at 1st Runner-Up naman ang kandidata ng Pilipinas na si Nelda Ibe.

Bago pa man ang kompetisyon, gumawa na ng ingay si Nelda sa international pageant scene kung saan na feature siya sa ilan sa mga TV Stations ng Albania.

Isang aktibong piloto si Nelda nang sumabak ito sa pageant scene at matatandaan na bago pa man koronahan si Nelda ng Binibining Pilipinas bilang Miss Globe Philippines, itinanghal muna si Nelda bilang 2014 Miss World Philippines 2nd Princess.

Bukod sa dalawa, itinanghal naman bilang 2nd Runner-Up si Elena Latypova ng Siberia, 3rd Runner-Up si Alessia Çoku ng Albania at 4th Runner-Up naman si Simone Heijligers ng Cape Verde.

Sa huling panayam ng PUSH kay Nelda, nais pa din ipagpatuloy ni Nelda ang kanyang career bilang isang piloto.

READ: Nelda Ibe ready to compete in Miss Globe 2017

Sa ngayon inaabangan na ng Binibining Pilipinas Charities Inc. ang pagbabalik bansa ni Nelda.