• Home
  • Fresh Scoops
  • Anak ni Donna Cruz na si Belle, may balak bang pumasok sa showbiz?

Anak ni Donna Cruz na si Belle, may balak bang pumasok sa showbiz?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/4/2017 11:17 AM
Anak ni Donna Cruz na si Belle, may balak bang pumasok sa showbiz?


 

Masayang ipinagdiwang kamakailan nina Donna Cruz at Yong Larrazabal ang 18th birthday ng kanilang panganay na si Belle Larrazabal.

Sa naging panayam ng PUSH kay Donna sa katatapos lang na Binibining Cebu 2017, masayang ibinahagi ng singer-actress ang ilang detalye ng epesyal na okasyon na ito.

"Parang amazed pa rin ako kung gaano kabilis ang panahon. Like kagabi lang nag-celebrate siya ng 18th birthday niya while my dad was dancing with her. Medyo naging emotional ako kasi kailan lang ako kasayaw ng dad ko nong 18th birthday ko," pahayag ni Donna.

Si Belle naman, aminado din na na-feel na niya ang adulthood matapos ang kanyang debut.

"I feel like an adult now. I know that my parents will still be protective with me but I need to be more responsible," paliwanag nito.

Hindi naiwasan na tanungin si Donna kung papayagan niya ba niya ang kanyang anak na sundan ang kanyang yapak sa showbiz.

"Hindi siguro mga TVCs. Hirap kasi Cebu kami at nandito ang school niya eh," ani ni Donna.

 

❤️ With my @bellabelleyl ❤️#BinibiningCebu #binibiningcebu2017

A post shared by Donna Cruz Y. Larrazabal (@donnacruzyl) on

Bukod sa kasiyahan para sa kanyang anak, naging usapan din ang posibleng reunion ni Donna at ang kanyang mga kaibigan na sina Regine Velasquez at Mike Cojuangco. Nag-trending sa social media kamakailan ang reunion ng DoReMi sa 30th Anniversary Concert ni Regine sa MOA Arena.

"Kung DoReMi? Why not? Kung kasama ko naman sina Reg at Miks na parang di naman trabaho, yeah! Oo! Pero mahirap naman pangunahan, ‘di ba? Pero kung magkakaroon, oo!" pahayag ni Donna.

Hindi man aktibo ngayon si Donna sa showbiz, thankful pa din daw siya dahil marami pa din ang nanabik sa tuwing nakikita siya sa kanyang mga ginagawang proyekto.