• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Migz Haleco, may reaksyon sa pagbangga kina Jona, Morissette at Jake Zyrus sa Himig Handog songwriting competition

EXCLUSIVE: Migz Haleco, may reaksyon sa pagbangga kina Jona, Morissette at Jake Zyrus sa Himig Handog songwriting competition

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/3/2017 9:17 AM
EXCLUSIVE: Migz Haleco, may reaksyon sa pagbangga kina Jona, Morissette at Jake Zyrus sa Himig Handog songwriting competition


 

Hindi inaasahan ni Migz Haleco na kahit baguhan pa lang siya sa Star Music ay mabibigyan na kaagad siya ng chance na mag-interpret ng isang komposisyon sa Himig Handog P-Pop Love Songs na magaganap on November 25. Si Migz ang napili ng Star para bigyang buhay ang kanta ni Eric de Leon na pinamagatang “Bes”.

Ani Migz, “Sobrang nao-overwhelm ako dahil hindi ko rin in-expect na magsusunod-sunod, na in such a short span of time, lahat ng opportunities, dadating sa akin nang ganito.

“Actually before, pinapangarap ko lang magpasa ng song sa Himig Handog. And hindi ko talaga in-expect na magiging interpreter ako this year,” kuwento ng singer sa PUSH.

Habang papalapit ang finals night ay unti-unti na rin daw niyang nararamdaman ang kaba at pressure.

“Noong una, akala ko, excitement lang, pero ngayon, ramdam ko rin talaga ang pressure,” sambit niya.

Aminado rin siya na lalong nakadagdag ng kaba ang line-up ng ibang interpreters na makakalaban niya tulad nina Morisette, Jake Zyrus at Jona na puro mga kontesera.

Kanino ba siya natakot?

“Actually, sa lahat,” pag-amin niya. “Medyo kinakabahan din ako talaga. Kasi, iba-iba din ang style ng songs, eh, kaya medyo hindi ko din ma-assure sa sarili ko kung ano talaga mangyayari.

“Siyempre, wish ko talaga ang manalo. Pero sa akin, sana magka-puwesto or at least mabigyan ko ng justice yung kantang na-assign sa akin at napasaya ko yung writer, okey na rin sa akin yon.

“Nung una kasi confident ako sa kanta ko lalo na nung hindi ko pa naririnig yung ibang songs. Pero pag pinapakinggan ko lahat, sobrang napapaisip din ako kasi magagaling din talaga lahat yung songwriters,” paliwanag pa ni Migz.

Ang kantang “Bes” ay tungkol sa mag-best friend na nagka-inlaban. Na-experience na ba niya ang ganito?

“Sa akin kasi, based sa mga experience ko, hindi pa ako nagkaroon ng friend na nagustuhan ko. Usually, ako, alam ko na agad kung pangkaibigan lang siya o pangrelasyon. So far, hindi ko pa naman naranasan na yung friend ko ay naging girlfriend ko rin,” sagot ng niya.

Idinagdag din ni Migz na hindi siya naniniwala sa sinasabi ng iba na magandang foundation ang friendship para i-level up sa isang seryosohang relasyon.

“Yung sa akin lang naman, based lang talaga sa personal experiences ko. Ako kasi yung taong pag may mindset, consistent na ako don. Pero ganun din naman kapag na-inlove ako, yung mindset ko grabe din naman.”

Pero hindi raw naman dadating na mapapabayaan niya ang singing career kapag nagkaroon siya ng love life.

“Hindi naman darating sa ganun. Wag naman sigurong dumating na ganun yung mangyari. Basta balance din. Natututo nama akong bumalanse kung ano yung dapat o hindi,”katwiran pa ng singer.

Lastly, nabanggit ni Migz kung sino ang singer na gustung-gusto niyang maka-collaborate in the future.

“Isa si Yeng Constantino sa gusto ko talagang maka-collaborate. Dati talaga sobrang solid fan ako ni Yeng and until now pa rin naman. Ang ganda kasi ng mga sinulat niyang kanta, ang galing niyang singer-songwriter,” pagtatapos ni Migz sa exclusive interview ng PUSH.