• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin is grateful to all his mentors for their help for ‘Ang Panday’

Coco Martin is grateful to all his mentors for their help for ‘Ang Panday’

Coco Martin reveals who has been supporting him in his directorial debut.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

11/3/2017 9:40 AM
Coco Martin is grateful to all his mentors for their help for ‘Ang Panday’


 

With his first big screen directorial project making the initial cut to the Metro Manila Film Festival this year, Coco Martin admitted he did have his doubts at first on how to pull it off. “Di ba kasi lahat naman tayo every time na may papasukan tayo na bagong bagay, kapag hindi pa natin na-e-experience, meron tayong doubt sa sarili natin na kaya ba natin, lalong lalo na yung first day ko. Kasi nandun ako pag gumagawa ako ng mga indie films ko, mga ibang pelikula, soap opera, nandun ako nagbibigay ako ng suggestion, ng ideas. Pero iba kapag nakapatong na lahat sa balikat mo yung mga yun, kumbaga parang pag nagkamali ka diyan desisyon mo yan. Ang mahirap pa sa akin, siguro dahil malakas ang loob ko eh, sabi nga nila kapag ang isang bagay ginawa ko ng madali at simple parang hindi ako kuntento,” he shared.

One of the initial challenges for Coco was shooting Ang Panday in busy locations like the heart of Divisoria. The first time director said he did not want to go through any shortcuts in the movie. “Ako pinanganak ako sa indie and at the same time natuto ako sa mainstream. Happy ako tapos yung mga natutunan ko gusto ko siya ilabas. Lahat hindi sila naniniwala sa akin, sa gitna ng Divisoria, sa dami ng tao dun paano ako mag-shu-shoot dun? Eh ayoko ng set up, ayoko yung parang prinoduction yung parang palengke, inayos, ganyan ganyan. Yun ginawa ko lakasan ng loob, tinuro ko sa kanila yung strategy kung paano gagawan,” he said.

The Ang Panday star cited internationally acclaimed director Brillante “Dante” Mendoza as one of his biggest influences in directing. “Siyempre kay Brillante Mendoza ako galing na ang mindset namin walang imposible. Dapat laging posible. Eh sabi ko gusto ko makita ang totoo at pag naunuod yung mga tao nakikita nila yung totoo, hindi yung totoo na dinaya. And then na-survive ko yun. And then after than second day kaya ko na hanggang sa natapos ko. Kaya sabi ko parang talaga akong lumusot sa butas ng karayom para matapos ko yung pelikula,” he explained.

Aside from the Ma’ Rosa director, Coco said he has been getting a lot of support from different people in the industry. “Marami eh kasi kailangan ko talaga ng guidance. Si direk Dante lagi niya akong pinapangaralan lalo na sa mga technical side. Pagdating naman sa characterization si direk Malou (Sevilla) naman. And then kapag sa mga fight scene nandiyan naman si direk Toto Natividad, sila direk Abel at siyempre ang pinaka-nag-guide sa akin overall si Lito Lapid. Dun ko nadiskubre na napakabait niyang tao. Kasi ang sarap sa pakiramdam na may isang tao na hindi naman kami ganung magkakilala, nagkasama lang kami sa trabaho, sa proyektong ito, sa Probinsyano, na ako pa ang lumapit sa kanya para humingi ng tulong para masuportahan niya ang Probinsyano at mabigyan ako ng magandang konsepto. Alam niyo sinabi niya sa akin, ‘At least nandito pa ako, malakas pa ako. May time pa ako para ituro ko sa iyo lahat ng mga nalalaman ko,’” he shared.

As a veteran action star, Coco said Lito Lapid’s input made a big impact on both his movie and primetime series. “Kung napapansin niyo sa Ang Probinsyano di ba makikita niyo para kayong nagbabalik-tanaw sa mga action noon kasi lahat ng yun ang nag-fa-fight director sa akin ngayon si Lito Lapid. Yung mga technique niya, yung mga strategy niya, yung tamang form, lahat. Gina-guide niya ako as in lahat. shini-share niya lahat. Ang hirap nun eh na ishi-share mo yung kaalaman mo sa iba. Parang siya bukal na bukal sa loob niya. Lahat kami dun sa set nanganganga, nabibilib kami kasi ang galing. Para kaming nakakuha ng isang teacher na nagtuturo sa amin lahat kung paano gawin,” he explained.

After wrapping up filming Ang Panday last month, Coco said it was a big help that some of the cast members came from his TV show. “Actually yun ang sikreto ko kasi sabi ko nga, first movie ko ito eh. Kailangan lahat ng mga taong makakasama ko dito yung mga taong naniniwala sa akin. Kasi ang hirap yung parang magtratrabaho ka as a director tapos may doubt sa yo yung mga tao mo. Kaya parang habang shinu-shoot ko ito, ang sarap ng pakiramdam kasi lahat sila gusto nila mag-succeed ka. Tapos tutulungan ka nila, a-advise-an ka nila. Sabi ko nga itong project na ito it’s a team effort eh. Kasi sinasabi ko sa kanila first time ko ito, hindi ako nag-aral mag-direct, hindi ako nagpunta New York, hindi ako nag-aral sa U.P, ang kaalaman ko lang experience. And then sabi ko, itong mga taong ito, ito ang mag-ga-guide sa akin lahat para matapos ko itong pelikulang ito,” he said.