• Home
  • Fresh Scoops
  • 2015 Miss Earth Angelia Ong ibinahagi ang buhay matapos maipasa ang korona

2015 Miss Earth Angelia Ong ibinahagi ang buhay matapos maipasa ang korona

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/3/2017 9:24 AM
2015 Miss Earth Angelia Ong ibinahagi ang buhay matapos maipasa ang korona


Photo credit: @missearth.angelia IG

 

Isa si Miss Earth 2015 Angelia Ong sa mga nakilala at tumatak bilang Miss Earth candidate dahil sa back-to-back win nila noon ni Jamie Herrell sa Miss Earth pageant.

Sa naging panayam na ito ng PUSH kay Angelia, inalala ng beauty queen ang kanyang mga experience noon.

 

Can't believe it's been a week 🙈

A post shared by Angelia Gabrena Ong (@missearth.angelia) on

"Yung Miss Earth ibang klaseng joy ang binigay sa akin noon kasi not everybody is given a chance na maging Miss Earth but a lot of people are given a chance to finish their studies. For me it’s always been my goal to finish my studies and have my degree," sabi ni Angelia.

Aniya, hindi man gaya ng iba na isang buong taon ang reign, thankful pa din daw si Angelia sa meaningful at masayang experience niya noon bilang Miss Earth.

"During my reign before, I was so jam-packed. Kasi other Queens they were given a whole year to be Miss Earth, but in my case I was only given 10 months and those months are full and it was like everyday I have something to do and I was looking forward to doing something," sabi ng beauty queen.

Aminado din si Angelia na ibang experience ang ibinigay sa kanya ng Miss Earth Organization kaya naman namimiss niya ito.

"I miss the travels, I miss the people, and I loved being Miss Earth. Ang maganda kasi sa pageant may fulfillment, may advocacy, and may purpose kaya after Miss Earth talagang na sepanx ako," paliwanag niya.

Revelation pa ni Angelia na nagkasakit pa siya matapos ang kanyang reign dahil sa separation anxiety.

"Sa totoo lang nagkasakit pa ako kasi after winning the Miss Earth crown I was so busy. Then alam mo yung biglang stop lahat. Parang yung mga panahon na stressed siguro ako doon ko lang naramdaman, but right now I'm okay and really really happy to be working with an Miss Earth foundation and other foundations," pahayag pa ni Angelia.

Sa ngayon abala si Angelia sa iba't ibang charity work. Sa November 4 na ang coronation night ng Miss Earth beauty pageant.