Mga Bagong Programa sa ABS-CBN ipinakilala sa Trade Show

Ipinakita na ng TV network ang mga bagong programa na dapat abangan sa pagpasok ng 2018.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/30/2017 12:55 AM
Mga Bagong Programa sa ABS-CBN ipinakilala sa Trade Show


Photos credit to the owners

 

Sa isang bonggang dinner show na naganap kagabi sa ABS-CBN Tent sa Vertis North sa Quezon City, ipinagmalaki na ng TV network ang mga bagong programa na dapat abangan sa pagpasok ng 2018.

Kabilang sa mga programang aabangan ang latest season ng Pilipinas Got Talent o PGT at ang bago nitong host na si Toni Gonzaga kasama si Billy Crawford.

 

Mapa-solo, duo o grupo, basta't wow ang inyong talento, pwedeng pwede 'yan! Mag-audition na!

A post shared by Pilipinas Got Talent (@abscbnpgt) on

Pinalitan ni Toni si Luis Manzano pero ayon kay Luis, walang samaan ng loob dahil malapit niyang kaibigan si Toni at naniniwala siya sa kakayanan nito ang hosting duties para sa show.

Muli naman mauupo bilang mga hurado sina Angel Locsin, Freddie Garcia, Robin Padilla at Vice Ganda.

Pasabog din ang mga teleseryeng Sana Dalawa Ang Puso, Bagani (kung saan magbabalik ang tambalang LizQuen) at ang Playhouse.

 

The cast of #Bagani! Coming soon on TV!

A post shared by Star Creatives (@starcreatives) on

Itinampok din ang mga pumatok na Koreanovelas na unang beses mapapanood sa bansa gaya ng The King is In Love, Black, No Ordinary Love at The Blood Sisters.

Kasama din ang hosts ng noontime show na It's Showtime, na nagbigay ng 80's theme musical number.

Ipinakita rin ang makapigil hiningang mga eksena na dapat abangan sa bagong afternoon serye na Hanggang Saan at ang top rating primetime serye na FPJs Ang Probinsyano.

Bukod sa TV series, ipinakita rin ang dalawang malaking pelikula ng Star Cinema sa 2017 Metro Manila Film Festival na The Revengers Squad
na pinagbibidahan nina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach, at ang pelikulang Ang Panday ni Coco Martin.

Masaya ang naging ending ng dinner show na nagtapos sa Kapamilya 2017 Christmas Station ID na Just Love at personal na naka-bonding ng advertising executives ang mga bituin ng ABS-CBN.