• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nagbigay update sa kanilang cyber bullying campaign

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nagbigay update sa kanilang cyber bullying campaign

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/29/2017 2:33 PM
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nagbigay update sa kanilang cyber bullying campaign


 

Sa tumitinding mga eksena sa primetime Kapamilya teleserye na La Luna Sangre, ibinahagi ng mga lead star nito na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang mga dapat pang abangan sa kanilang programa sa katatapos lang na #JustLove The Kapamilya Trade Launch nitong November 28. 

"Aabangan kung kailan lalabas ang full transformation ni Malia, finally and kung kailan magiging bampira si Tristan (Daniel Padilla) at aabangan din kung kailan kami magkakaharap harap ni Sandrino (Richard Gutierrez) and Jacintha Magsaysay (Angel Locsin)," kwento ni Kathryn.  

Kahit na mapapanuod ngayong 2017 sa Metro Manila Film Fest si Daniel para sa pelikulang The Revengers, mas focus daw muna ngayon ang love team sa kanilang serye bago tumanggap ng ibang proyekto.

"So far wala pa naman kasi focus muna sa La Luna lang talaga hanggang next year so yun pa lang muna," dadag pa ni Kathryn. 

Nagbigay update din si Kathryn at Daniel bilang mga Cyber Smile Foundation ambassadors, at sinabing tuloy-tuloy pa din ang kanilang pagiging aktibo sa pagtulong sa adbokasiya ng samahan na ang pangunahing layunin ay ang pagsugpo sa cyber bullying.

"Tuloy-tuloy pa din, Hindi naman natin makikita yan ng bigla-bigla. Ang okay doon sinimulan namin and sana mas marami pang sumama sa advocacy namin," ani ni Kathryn.  

Dagdag na leksyon naman ang gusto ni Daniel para sa mga bully sa social media. Aniya hanggad nila na maturuan ng leksyon sa magandang pamamaraan ang mga bully.

"Lalagyan lang namin ng konting pangil, Kasi kapag masyado lang tayo puro salita, hindi naman nakikinig ang lahat. May konting aksyon na mangyayari para lang may lesson Kahit kanino na nang aapi na anonymous na nang aapi ng mga tao so kailangan talaga may leksyon yun," saad ni DJ. 

Abala man sa gabi gabing teleserye, patuloy din daw  ang pagsulong ni Kathryn at Daniel sa pang eenganyo sa lahat ng mga naniniwala sa kanilang ipinag lalaban.

"Ine-engganyo namin lahat na sumali, Hindi naman ito official na dapat cyber smile ka kaya ine- engganyo namin lahat ng artista, mga musikero, kahit ano pa po, open po kayo na tumulong sa aming campaign na aming ginagawa. Sana po mag tulungan tayo at siyempre mag mahalan tayo," panawagan ni Daniel. 

Pagmamahalan din ang panawagan ng KathNiel loveteam para sa mga fans. Matatandaan naging  paborito ng mga basher noon ang kanilang co-star na si Angel Locsin.

Ani ni Kathryn naiintindihan nila ang pagmamahal ng kanilang mga fans pero, naniniwala sila na magiging ka-isa nila ang mga ito sa kanilang isinusulong na adbokasiya.

"Naiintindihan namin na kapag pino-protektahan kami ganyan, pero iba padin pag nakakasakit kana ng ibang tao dahil sa pagmamahal mo sa isang tao. Pinag sasabihan namin sila and nakikinig naman sila  especially ang mga bata. Kailangan lang naman talaga nila is guidance e," pahayag pa ni Kathryn.  

Malaki din ang tiwala ni Daniel na makakatuwang nila ang kanilang mga fans at iba pang fan groups para sa kanilang layunin na ito laban sa cyber bullying.

"Pinagsasabihan talaga, kasi sa kanila magsisimula yun (kabutihan) e diba. Sila ang supporters namin at alam nila kami ang ambassadors ng cyber smile so dapat sa kanila nagsimula yung kabutihan na ginagawa namin para sa lahat," pagtatapos na pahayag ng dalawa.