• Home
  • Fresh Scoops
  • Filipina beauty bibida sa 2017 Miss Asia Pacific international pageant

Filipina beauty bibida sa 2017 Miss Asia Pacific international pageant

Lalaban ang pambato ng Pilipinas Ilene Astrid De Vera sa pageant na gaganapin na nitong November 29.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/29/2017 8:58 AM
Filipina beauty bibida sa 2017 Miss Asia Pacific international pageant


Photo credit: @missasiapacificintl IG

 

Mula sa katatapos lang na Miss Universe fever, isa na namang Pinay ang lalaban para sa 2017 Miss Asia Pacific Beauty pageant na gaganapin dito sa Pilipinas.

Kaya naman patalbugan sa pag rampa at pag-posing ang 40 candidates mula sa iba't bang bansa sa Asia Pacific.

Ang reigning Miss Asia Pacific na si Tessa Le Conge mula sa Netherlands ay plano na sulitin pa ang kanyang bakasyon dito sa Pilipinas bago maipasa ang korona.

"After the pageant I will stay like two three days more, I will be returning next year for sure for like a holiday for one month," kwento nito. 

Angat naman ang mga kandidatang half-Pinay gaya na lang ni Yuki Du Sonoda ng Japan na ipinagmamalaki ang wikang Pinoy sa Japan.

"Hindi ko po makakalimutan because I watched Filipino dramas and movies, favorite ko actually yung mga drama ni Kim Chiu," sabi ni Miss Japan. 

Gaya ni Miss Japan, proud din sa kulturang Pinoy si Donna Eunice Cruz ng Iceland.  

"I'm so proud but the deal is my heart is big enough for both Iceland and the Philippines!" pahayag ng kandidata. 

Ang pambato naman ng Pilipinas na si Ilene Astrid De Vera ng Cebu ay labis na ipinagmamalaki ang Pilipinas sa mga kasamang kandidata.

Ayon pa kay Miss Philippines nais niya na makilala pa ng ibang lahi ang natural na kagandahan ng Pilipinas.

"I'm very happy because i can relate to them a lot more than the other candidates. We've met and I'm very excited because we have 18 days more to spend with each other," sabi pa ni Miss Philippines. 

Magaganap ang coronation night ng 2017 Miss Asia Pacific ngayong November 29 sa Newport Performing Arts ng Resorts World Manila.