• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Nonie Buencamino reveals how he beat drug and alcohol addiction

EXCLUSIVE: Nonie Buencamino reveals how he beat drug and alcohol addiction

Veteran actor Nonie Buencamino is grateful to wife Shamaine for staying with him throughout his battle with drug and alcohol addiction.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/29/2017 9:46 AM
EXCLUSIVE: Nonie Buencamino reveals how he beat drug and alcohol addiction


 

Bida ang magaling na aktor na si Nonie Buencamino together with Sid Lucero sa crime thriller film na Smaller and Smaller Circles ng TBA Studios na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Sa interbyu ng PUSH kay Nonie ay ibinahagi niya kung ano ang sikreto ng kanyang staying power bilang actor sa showbiz.

Aniya, “Siguro yung love in all aspects. We have to love what you do, love your family, and then your workmates, kasama yung environment mo, pakikisama. Yung tipong you look forward to working everyday when you go to the set inspired ka palagi.”

Ayon pa kay Nonie, hindi rin daw siya ang klase ng aktor na umaaasang mananalo ng mga acting awards.

“Basta may trabaho at maganda yung ginagawa ko okey lang ako.Kasi pag umasa ako sa award, madi-disappoint lang ako. Parang, ay gustung-gusto ko tapos hindi ako na-nominate.

“Hindi ko naman sasabihin na wala akong pakialam sa award, hindi naman. Although, hindi siya dapat maging total na basehan.

“Tina-try kong labanan yon, na kailangang mahalin ko lang yung craft ko tapos pag nanalo, nakakatuwa,” katwiran ng aktor.

Sa patuloy na interbyu ng PUSH kay Nonie ay inamin nito ang masasabing “darkest side” ng buhay niya.

Kuwento niya,  “Nu’ng bata pa ako, mainipin ako non kaya napa-trouble ako. Kasi naiinip ka kaya kung anu-ano naiisip mong gawin. Meron kang mga drugs, ganyan. Pinagdaanan ko rin yan–drugs and alcohol.

“Hindi naman ako yung addicted talaga pero palagay ko medyo heavily. Maybe five to seven years din yon. Pero on and off naman yon. May anak na ako non pero bago pa lang.”

Eh, ano ba ang dahilan ng paggamit niya noon ng illegal drugs?

“Influence by peers, oo. Tapos curiousity and then boredom, let say you have no work and then you’re insecure,” sagot niya.

Patuloy ni Nonie, “As much as possible, pag may trabaho hindi naman ako (gumagamit)… Ang problema, eh, paano kung tinawag ako bukas? Ngayon nag-drugs ako, so minsan naaabot din.”

So, paano siya nakawala sa droga?

“Nag-stop ako. Sumali ako ng recovery program,” sambit niya.

“Hindi siya yung nakakulong, bahay siya na bukas. Ang pangalan niya noon New Beginnings. So, bahay siya na puwede kang lumabas any time.

“Forty-five days program yon na binibisita ka every Friday. Pero pag umalis ka na sa bahay at umuwi ka, hindi ka na puwedeng bumalik. Meron kaming mga therapy, journal writing, activities, mostly psychological walang physical,” dire-diretso niyang kuwento.

Mabuti na lang nga daw at hindi siya iniwan ng asawang si Shamaine Buencamino na isa ring magaling na aktres.

“Ay grabe ang tiniis ng asawa ko. Saka biro mo, tumigil ako sa pag-arte so siya lang ang nagtatrabaho noon. Ang laki ng pasasalamat ko sa Diyos na may asawa akong katulad ni Shamaine,” lahad niya.

Sinigurado naman ni Nonie na ibang-iba na ang buhay niya ngayon.

“Ang maganda ngayon sa buhay ko, I keep myself preoccupied. Meron akong ibang mga ginagawa.

“Halimbawa, nagtuturo ako ng mga bata, acting workshop. Hina-hire ako ng ABS-CBN. Tapos nagbi-breed ako ng mga aso, ng K9,” pahayag ulit ng aktor.

Catch Nonie and the cast of Smaller and Smaller Circles on December 6 in theaters nationwide. Kasama rin sa pelikula sina Carla Humphries, Christopher de Leon, Gladys Reyes, Junjun Quintana, Alex Medina at marami pang iba. The movie is directed by Raya Martin.