Sylvia Sanchez, may warning sa girlfriend ni Arjo Atayde

Para kay Sylvia Sanchez, dapat magkasundo sila ng girlfriend ng anak na si Arjo Atayde.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/28/2017 8:37 AM
Sylvia Sanchez, may warning sa girlfriend ni Arjo Atayde


 

Hindi naiwasan ni Arjo Atayde na i-describe ang mommy niyang si Sylvia Sanchez nang humarap sila sa entertainment media para sa presscon ng Kapamilya Gold series na Hanggang Saan na nag-pilot episode nitong Lunes, November 27, sa ABS-CBN.

Deskripsyon nga ni Arjo sa ina, “Sobrang mabunganga siya.” Kung anong level daw ito, hirit ng binata, “Kung may level 100, nasa 100 siya.”

Hindi naman sineryoso ni Sylvia ang pahayag ng anak na at parang tanggap niya naman ito.

Naikuwento rin ni Arjo na may isang insidenteng unforgettable sa kanya nung high school na umuwi siyang late sa bahay nila.

“May isang time na umuwi ako ng madaling araw. Eh high school (ako), takot ako sa multo. Eh Christmas ‘yun. Sa may Christmas tree, ang dilim, pitch black,” kwento niya.

Tapos nang buksan daw niya ang pinto ng bahay nila ay biglang may bumukas na lampara at bumulaga ang ina sabay tanong sa kanya kung saan siya nanggaling.

“She’ll do everything to find out what you’re doing. She’ll do everything to protect you but she’ll do everything to love you at the same time,” bawi niya sa ina.

Eh, sa love life, nakikialam ba si Sylvia kay Arjo?

“Ganito lang kasi talaga, sinasabi ko sa kanya, kahit sino pa ‘yung dalhin mo sa aking babae, sikat or hindi, mayaman or hindi, basta mahal ako saka ang daddy mo, saka ang pamilya. Marunong makisama. Kumbaga, hindi bastos, hindi mapagmalaki, kasi ang hirap nu’n,” pahayag naman ng aktres.

Patuloy nito, “Sinasabi ko sa kanya ‘to, ‘pag ikaw, nag-akyat ka ng girlfriend or mapapangasawa mo na bastos, mapagmalaki sa akin, gagawin kong hell ang buhay mo.’ Yun ang sabi ko sa kanya. Kailangan talaga kasundo namin.”

Dumating na rin daw minsan sa punto na sinabihan niya si Arjo na hindi niya gusto ang ugali ng girlfriend nito.

“Tapos magri-reason siya (Arjo) ng, ‘pero ma, ako yung makikisama, ako ‘yung mag-aasawa.’ Tapos sinasabihan ko siya na, ‘o sige, ikaw ang magiging kasama, ikaw ang magiging asawa, sino ang pamilya mo? Sino nanay mo? Ako pa rin ‘yun. Hanggang huling hininga mo, ako pa rin ‘yun.’

“Kung hindi ko kasundo ang mapapangasawa mo, kung ikaw lang ang mahal, hindi pwede ‘yun. Kailangan ‘yung magiging asawa mo, aabutin ang magulang,” katwiran ni Sylvia.

Girlfriend ni Arjo ang miyembro ng Girltrends na si Sammie Rimando, pero wala namang particular na reaksyon si Ibyang (Sylvia) sa kasintahan ng anak.

Bukod nga pala kina Sylvia at Arjo ay kasama rin sa Hanggang Saan sina Ariel Rivera, Teresa Loyzaga, Sue Ramirez, Yves Flores, Maris Racal, Marlo Mortel, Nikko Natividad, Rommel Padilla at marami pang iba.

Ang teleserye ay sa direksyon nina Mervyn Brondial at Jeffrey Jeturian mula sa GMO unit.