• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Universe 2017 Demi Leigh Nel Peters to visit the Philippines?

Miss Universe 2017 Demi Leigh Nel Peters to visit the Philippines?

The Miss Universe Organization is said to be planning a Christmas tour to Manila.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/28/2017 5:48 PM
Miss Universe 2017 Demi Leigh Nel Peters to visit the Philippines?


Photo credit: @demileighnp IG


Matapos koronahan si Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa sa katatapos lang na 66th Miss Universe pagent sa Las Vegas Nevada USA, isang magandang balita naman ngayon para sa fans ang dala ng Miss Universe Organization para sa mga Pilipino.

Ayon sa ulat ni Robert Requintina ng pahayagan na Manila Bulletin, nakatakda umano ang pagbisita dito sa Pilipinas ng newly crowned Miss Universe para sa isang Christmas tour ng Miss Universe.

Ayon pa sa balita, makakasama din ng bagong Miss Universe ang ilan sa mga kandidata sa 66th edition ng pagent gaya nina Miss Universe first runner-up Laura Gonzalez ng Colombia at second runner-up na si Miss Jamaica Davina Bennett sa darating na December 5.

Inaasahan din ang pagdating ni 2016 Miss Universe Iris Mittenaire ng France na kinoronahan noong January dito sa Pilipinas. Kasama din umano nila si Miss Universe 2016 first runner-up Racquel Pelissier ng Haiti at second runner-up Andrea Tovar ng Colombia.

Sa ngayon wala pang final announcement ang Miss Universe Organization para sa napabalitang pag bisita na ito ng mga kandidata sa Pilipinas.