• Home
  • Fresh Scoops
  • Friends and family of Miss Universe bet Rachel Peters are in full support in Las Vegas

Friends and family of Miss Universe bet Rachel Peters are in full support in Las Vegas

Mga beauty queens na sina Ara Arida at Elizabeth Clenci nasa Las Vegas para bigyan ng suporta ang kaibigang si Rachel Peters.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/27/2017 8:41 AM
Friends and family of Miss Universe bet Rachel Peters are in full support in Las Vegas


 

Kasalukuyan nang nasa Las Vegas, Nevada, USA ngayon ang ilan sa mga malalapit na kaibigan at kapamilya ni Miss Universe Philippines Rachel Peters para mag-cheer at magbigay suporta sa laban ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.

Ilan sa mga manunuod at magbibigay suporta ay ang kanya kapwa Binibining Pilipinas Queen na si Elizabeth Clenci, na naging 2nd runner-up sa kakatapos lang na Miss Grand International.  

Spotted din si 2013 Miss Universe 3rd runner-up Ariella Arida kasama ang ang businessman and Bench founder na si Ben Chan at ilan sa mga malalapit nitong kaibigan.

Full support din ang Filipino community sa Las Vegas para sa ating kanidata.

Bukod sa mga kaibigan ni Rachel present din ang pagent trainer ni Rachel na si Rodgil Flores para mag bigay supprta sa kanyang alaga.

At higit sa lahat ang mga magulang, kapatid at ang boyfriend ni Rachel na si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte, na super proud sa kanya.

Mapapanuod ang live telecast ng 66th Miss Universe sa November 27, simulcast ng 8AM sa ABS-CBN.