Piolo Pascual, gusto na nga ba ng second baby?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/26/2017 9:01 AM
Piolo Pascual, gusto na nga ba ng second baby?


 

Aminado ang kapamilya actor na si Piolo Pascual na ibang saya ang naidudulot sa kanya ngayon ng kanyang apo sa pamangkin na si baby Priam.

Makikita kasi sa social media account ni Papa P ang mga cute pictures ng kanyang bagong companion sa kanyang trabaho.

 

My boss 💪

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual) on

Sa katunayan, isinasama din daw lagi ito ng aktor sa kanyang mga showbiz commitments.

Sa naging pahayag na ito ng entertainment press, inamin ni Piolo ibang saya ang kanyang nararamdaman kapag nakikita niya si Baby Priam.

"Nakakatuwa, nakakatuwa yung bata it's always nice to see the life in the eyes of a child, nakakawala ng stress," masayang pahayag ni Piolo.

Dahil ang aktor daw ang pansamantalang nag-aalaga kay Baby Priam, napaisip na din umano si Piolo na sundan ang kanyang panganay na si Inigo Pascual na 20 years old na ngayon.

"Oo sobra sana pwede orderin di ba (laughs)? Inaarbor ko na nga yung apo ko e ang sarap kasi. May times nga na hindi niya ako po pinapatulog, yung nanay niya kasi went on a vacation so I’ll take care of him muna while she's away," ani ni Piolo.

Wala naman daw problema si Inigo kung nais na talaga magka-baby muli ng kanyang Papa Piolo. Aniya, enjoy din daw siya ng may kasamang baby sa bahay ang kanyang ama.

"Okay lang. I'm already 20 years old, having a baby is like a little nephew to me already, sobrang layo na ng gap. Why not? I love having Priam around, the baby is such a cute."

Dagdag pa ni Inigo, nakikita din daw niya na masaya ang kanyang ama sa pagbisita ni Baby Priam sa kanila na mag-celebrate daw ng kanyang first birthday dito sa Pilipinas.

"I'm just happy right now. Priam kasi lives in States and we are so happy that he's able spend time with us here to celebrate his birthday which is the day after my concert," pahayag naman ni Inigo.