• Home
  • Fresh Scoops
  • Pageant mentor ibinahagi kung anong tips ang ibinigay nila kay Rachel Peters

Pageant mentor ibinahagi kung anong tips ang ibinigay nila kay Rachel Peters

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/26/2017 9:21 AM
Pageant mentor ibinahagi kung anong tips ang ibinigay nila kay Rachel Peters


 

Tumulak na papuntang Las Vegas ang isa sa mga kilalang pageant trainer at expert na si Rodgil Flores para manuod ng 66th Miss Universe pageant sa Planet Hollywood sa Las Vegas, Nevada.

Si Rodgil ng Kagandahang Flores ang isa sa mga nag-train sa pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters.

Kahit patindi na ng patindi ang Miss Universe fever, masayang-masaya pa din daw sila sa Kagandahang Flores camp sa malakas na suporta na ibinibigay ng mga Pilipino para kay Rachel.

"Very, very happy for Rachel. Kita niyo naman na nag-effort siya talaga and she's very, very beautiful now. And tamang-tama lang talaga yung styling niya and totodo pa yan," sabi pa ni Rodgil.

Naniniwala sila na instrumento lamang sila ng tagumpay ng ating pambato.

"Number one tip na binigay namin kay Rachel is to be prepared so hard for this. There were months na we really sacrificed everything. This is her battle. Sabi namin sa kanya use whatever she learned. Kumbaga sariling diskarte ni Rachel lahat ng nakikita natin," ani ni Rodgil.

Isa din sa mga itinuro ni Rodgil ay kung paano ihahandle ni Rachel ang kanyang mga basher. Pero ayon sa pageant mentor, may sarili daw technique si Rachel upang mahandle ng tama ang kanyang mga kritiko.

"Lagi naman ganyan e when you present yourself to others. For example you become a celebrity, you become a pageant queen, madami talaga sasabihin. Not all positive nakukuha mo. Minsan talaga marami pang basher pero si Rachel she learned to accept everything. I mean, she accepts [that] minsan naapektuhan, pero she takes it. She reviews all these comments pero she knows herself very well. Simula nang manalo siya ng Binibining Pilipinas, she knows herself very well," pagtatapos na pahayag ni Rodgil.

Ngayong darating na November 27 mapapanuod ang 66th Miss Universe sa Kapamilya Network.