Anne Curtis may maagang pamasko para sa kabataang Pinoy

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/26/2017 9:09 AM
Anne Curtis may maagang pamasko para sa kabataang Pinoy


 

Isang maagang pamaskong aguinaldo ang handog ng It's Showtime host na si Anne Curtis para sa mga kabataan na tinutulungan ng UNICEF.

Isa si Anne sa masusugid na tumutulong sa organisasyon sa pamamagitan ng kanyang mga nailunsad na proyekto para sa mga kabataang na ngangailan.

Nitong November 24, pormal na nag-turn over si Anne ng mahigit 7.5 Million pesos na kinita ng kanyang Dream Machine project na The Color Run Dream noong nagdaang September 3.

Ayon sa It's Showtime host, ibang fulfillment ang kanyang nararamadaman sa pagtulong sa mga kabataan na labis na ngangailangan.

"Sobrang nakakatuwa sa kalooban. Very thankful talaga ano sa lahat ng supporters that came to run and I think that makes a really big difference that we made a color run this year. It was more fun and what was even more meaningful is we have children talaga who are able to participate. I don't know I can't even more explain the energy this year," sambit ni Anne.

Bukod sa tulong na kanyang ibinahagi sa UNICEF, overflowing din ang kanyang nararamdaman ngayon matapos ang kanyang naging kasal sa New Zealand sa kanyang long time boyfriend na si Erwan Heussaff.

"Very happy, halata ba? (Laugh) Super happy, super happy, and you know like everything after has everything fall into place. So much happiness and it's overflowing talaga," masayang pahayag ni Anne.

Kahit bagong kasal, wala din daw malaking adjustment na nararamdaman si Anne bukod sa isang bagay.

"Wala, walang adjustment talaga. If ever, just I feel is my last name that will be changing. Buy you know nothing has changed between Erwan and I. My work hasn't changed, my responsibilities with UNICEF hasn't changed. If ever anything, it just made me a happier person," sabi pa ni Anne.

Pagdating naman sa usapin ng pagbuo ng pamilya, kuwento ni Anne hangad muna daw nila na i-enjoy ang kanilang pagsasama.

 

✨ A beautiful dream come true ✨ . . . . 📸: @jimpollardgoesclick 👰🏻: @moniquelhuillier #TheWanForAnne

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

"Hindi pa (laughs). We just got married and siguro not just yet. We'll enjoy muna being married. For now the children I'm looking out for are those with UNICEF," ani ng TV host.

Bukod sa UNICEF, aktibo din si Anne sa pagtulong sa pag papatayo ng mga classroom sa ilang mga paaralan sa Pilipinas.

"Yes po, that's one of my advocacies, because I really believe in education for children. So a lot of pre-schools because I have so much faith and believe in how important really education for children is so that's why classrooms," pahayag ni Anne.

Bukod sa Fun Run, ilang fundraising activities pa daw ang nais gawin ni Anne sa pagbubukas ng 2018.